
BAGUIO CITY – Arestado ang apat na turista mula Ilocos Sur dahil sa pagbiyahe ng marijuana na nagkakahalaga ng higit P2.6-million sa bahagi ng Dawaic, Otucan Norte, Bauko, Mountain Province, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga naaresto na sina Christian Allen Vergara Habab, Aljon James Ambasing Bangayan at Mark Jamandre, pawang residente ng Santa Cruz, Ilocos Sur; at si John Randolf Torres Cadavez, ng Santa Lucia, Ilocos Sur.
Sa report, nakatanggap ang PDEA-Mountain Province ng impormasyon ukol sa pagbiyahe ng apat katao ng mga kontrabando sa pamamagitan ng motorsiklo. Kaya agad nagsagawa ng interdiction checkpoint ang mga operatiba ng PDEA at PNP na nagresulta sa pagkasabat ng dalawang motorsiklo.
Nasamsam sa mga ito ang 18 piraso ng marijuana bricks at 9 tubular marijuana leaves na may kabuuang bigat na aabot sa 21.7 kilograms at halagang higit P2.6-milion.
The post 4 turista huli sa P2.6m marijuana appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: