Facebook

3 bikers, trike at van, inararo ng truck sa Laguna

INARARO ng isang truck ang tatlong nakabisikleta, isang tricycle, at isang van sa Calamba, Laguna.

Sa ulat, makikita sa CCTV sa Barangay San Juan ang tatlong bikers na nakahinto sa intersection.

Maya-maya lang, sinalpok na sila ng truck mula sa likuran. Nahagip din ang isang tricycle at isang van.

Mabuti nalang at mabilis na nakabalikwas ang isang biker kaya hindi siya nasagasaan ng truck.

Kaagad na dumating ang first responder at inalalayan ang mga nasaktan na nagtamo ng sugat sa paa at katawan.

Ayon kay Jeff Rodriguez ng Public Order and Safety Office, idinahilan ng driver ng truck na nawalan ng preno ang kaniyang sasakyan.

Pero hindi kombinsido si Rodriguez sa paliwanag dahil tumigil ang truck nang parahin ng traffic enforcer.

Sinagot naman ng may-ari ng truck ang pagpapagamot sa mga nasaktan at pagpapaayos sa mga nasira.

The post 3 bikers, trike at van, inararo ng truck sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 bikers, trike at van, inararo ng truck sa Laguna 3 bikers, trike at van, inararo ng truck sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.