
ISANG “Banakon” o King Cobra na may habang halos 12 talampakan ang napatay ng isang laborer sa isang rubber plantation sa Barangay Manubisa sa Magpet, North Cotabato noong Martes (August 10).
Ang scientific name ng King Cobra ay Ophiophagus Hannah.
Sa report, makakamatay ang kamandag nito kung ang isang natuklaw nito hindi mabibigyan agad ng anti-venom injection. Isang medical emergency ang Cobra bite case.
Bagamat labis na kinakatakutan, ang King Cobra agresibo lamang ito kung nakakadama ng peligro gayunpaman umiiwas din ang nasabing ahas sa tao o sa panganib.
May mga King Cobra sa ibang panig ng Asia na umaabot ng halos 20 talampakan ang haba.
Ang King Cobra ang “national reptile” sa bansang India, kungsaan may malalim na connection ito sa mga paniniwala at kultura ng mga tao sa naturang bansa at sa kalapit na Sri-Lankan State.
The post 12 talampakan na King Cobra napatay sa NorCot appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: