
ISANG dayuhan ang bumaba sa riles ng tren sa MRT 3 Boni Station at tumakbo ng hubo’t hubad.
Sa pahayag ni MRT-3 OIC General Manager Asec. Eymard D. Eje, nangyari ang insidente 5:53 ng umaga ng Huwebes, August 12.
Pumasok, aniya, sa istasyon ng tren ang dayuhan at nang sumasailalim na sa security checking bigla nalang itong naghubad at nagtatakbo.
Dumiretso ito papasok ng istasyon at tumalon sa riles at saka tumakbo patungo sa direksyon ng Shaw Blvd. Station.
Agad naman itong nahabol ng apat na security personnel ng Boni Station. Dinala ito sa Mandaluyong Police Station para sa imbestigasyon.
Nakatakda rin magsampa ng kasong alarms and scandal ang DOTR laban sa pasahero.
Samantala, iimbestigahan ng Bureau of Immigration (BI) ang estado ng dayuhan.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, aalamin nila ang pagkakakilanlan sa nasabing dayuhan.
Ayon kay Morente, kung napatunayan na illegal na naninirahan sa bansa ang nasabing dayuhan sasailalim ito sa deportation proceeding. (Jocelyn Domenden)
The post Dayuhan tumakbo ng hubo’t hubad sa riles ng MRT-3, kakasuhan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: