Facebook

Ping Lacson tunay na ‘alagad ng batas’

MATAPOS kong punahin sa nakaraang kolum ang mga tila tirada-pasok ni Senador Ping Lacson sa Duterte administration, bibigyang timbang naman natin ang mga nagawa ni Ping sa kanyang 50 taon nang paglilingkod sa bayan.

“Ang tama, ipaglaban. Ang mali, labanan”.

Ito pala ang kanyang “slogan” mula nang umpisa pa lamang sa halos 50 taon nang serbisyo-publiko mula sa paglabas sa PMA hanggang maging PNP Chief at maging senador.

Ang tama ay ipaglaban: ‘Yun lamang ang dapat na mangyari kagaya ng mabilis at maayos na serbisyo ng gobyerno sa tao. Kung mabilis at maayos ang serbisyo, mas marami ang makiki-nabang sa mas maiksing panahon.

Ang mali, labanan: Sa paglaban sa mga maling sistema, aayos ang serbisyo sa tao at gobyerno ay magiging respetado. Halimbawa ng maling sistema – paghingi ng lagay sa mga kukuha ng business permits at pagsita sa mga sasakyan na nagbibiyahe ng mga paninda para para kotongan sa halip na tiketan kung may paglabag man.

Yes! Grabeng problema sa mga pulis ang inabutan ni Ping Lacson nang umupo as PNP Chief noong 1999; kawalan ng di-siplina, pagkakasangkot sa krimen, pag-abuso at paghingi ng lagay sa mga maliliit na negosyante, dahilan para masuklam sa kanila ang mga tao.

Pero nabago niya ang mga masamang pag-uugali na ito sa pa-mamagitan ng mga sumusunod:

1. Implementasyon ng maayos na sistema sa pamamagitan ng LEADERSHIP BY EXAMPLE. Tinabla niya lahat ng mga lagay at bigay sa PNP Chief, tulad ng payola mula sa mga ilegal na sugal na nagkakahalaga ng milyong piso kada buwan at maraming iba pa. Kaya nahiya sa sarili o naging kuwidaw sa paggawa ng kalokohan ang mga pulis.

2. Iniutos niya ang imbentaryo ng mga kinarnap na sasakyan at dapat na nasa paradahan ng PNP upang mapuntahan ng lehitimong may-ari kaya nga tumambak ang mga abandonadong kotse at iba pang behikulo sa silong ng Santolan-Crame flyover at sunod-sunod na naisoli. Personal na ginagamit ng mga tiwaling pulis ang mga ito matapos ma-recover. Ilan sa mga sasakyan ay paghanapbuhay at binili ng hulugan ng mga OFW.

3. Problema dati ang pagpapagasolina sa mga mobile patrol dahil ang pondo para sa mga ito, kung makarating man ay napakaliit at agad na nauubos, ang malaking bahagi ay naiiwan sa national headquarters. Sinolusyunan ito ni Ping Lacson sa pa-mamagitan ng pagbibigay sa bawat presinto sa tamang pondo na nakalaan sa kanila para magawa ng maayos ang obligasyon na bantayan ang mga tao.

4. Pinaliit ang mga malalaking tiyan ng mga pulis dahil pinangunahan ni Lacson ang maramihang exercise na ginagawa sa loob mismo ng ng open field ng Kampo Crame. Ang misyon niya ay maibalik sa 34 inch waistline ang sukat ng mga pulis at nagtagumpay siya! Umayos ang porma ng mga pulis at mas mabilis na silang nakakagalaw dahil gumaan ang kanilang katawan.

5. Ipinatupad ang ‘NO TAKE POLICY’ kaya natuto ang mga pulis na magtrabaho ng kusa at hindi na pinipili kung sino ang dapat unahin dahil ito ay magbibigay ng reward pagkatapos.

Halimbawa nito ay ang Robina Gokongwei kidnapping case, anak ng may-ari ng Cebu Pacific at Robinson Malls. Maayos na nailigtas nina Ping Lacson si Robina pero tinanggihan nina Lacson ang P400k na reward. Mapilit ang tatay ni Robina kaya nag-donate ito ng isang sasakyan sa PNP.

Naramdaman ng publiko ang pagbuti ng pagtingin ng mga tao sa mga pulis kaya ang dating negative 13 percent na approval rating ay sumirit paakyat sa 58 percent, pinakamataas sa rekord ng PNP at sa lahat ng naging pinuno nito- na naitala lamang sa panahon ni Ping Lacson bilang PNP Chief.

Kaya alam ko ito dahil police reporter ako nung pulis si Ping!

The post Ping Lacson tunay na ‘alagad ng batas’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ping Lacson tunay na ‘alagad ng batas’ Ping Lacson tunay na ‘alagad ng batas’ Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.