Facebook

Halos 100K Muntinlupenos nakatanggap na ng GCash ayuda

TULOY-TULOY ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa sa pamamahagi ng cash assistance mula sa national government na inilaan para sa mga pamilyang apektado ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Public Information Officer (PIO) Tez Navarro, hangad ng local government unit na maibigay agad sa lahat ang ayuda lalo na’t maraming nawalan ng kabuhayan sa gitna ng ipinatutupad na ECQ.

Nasa 89,976 beneficiaries (kabuuang P89.976 milyon) sa Munti ang nakatanggap ng kanilang financial assistance sa pamamagitan ng digital wallet o GCash (as of August 12), dalawang araw matapos umarangkada ang aid distribution sa Metro Manila.

Ang bawat ECQ ayuda beneficiaries ay nakatanggap ng tig-P1,000 bawat indibidwal o P4,000 bawat pamilya.

Nakipag-partner sa GCash ang LGU para sa contactless distribution ng cash ayuda upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ibig sabihin, wala nang aabangang schedule ng payout ang mga mamamayan sa bawat barangay sa lungsod dahil ginagawa na ito online upang maiwasan ang siksikan at mahahabang pila.

Ilang araw bago naibaba sa Munti LGU ang pondo ay nanawagan na ang lokal na pamahalaan sa mga Muntinlupeños na gumawa ng GCash account.

Kapag nagkaroon na ng verified GCash account, maaari nang i-rehistro ang kanilang mga detalye via tinyurl.com/Ayuda-ECQ-Munti.

Ang mga dependents naman ng ‘head of households’ na pumanaw pero kasama sa listahan at naging benepisyaryo noong unang ECQ at wala sa current list ay maaari pa ring mag-register online via tinyurl.com/Appeals-Ayuda-ECQ-Munti para sa validation.

Puwede rin palang gamitin ng mga benepisyaryo ang GCash verified accounts ng kanilang family members kung sila ay deklarado bilang official dependents sa previous registration.

Napabalita naman na nahihirapang gumawa ng GCash ang ilang taga-Munti, partikular ang mga walang cellphone, at senior citizens.

Kaya ang magandang balita, plano raw ng LGU na magsagawa ng manual payout scheme para sa mga hindi makaka-claim ng kanilang ayuda sa pamamagitan ng GCash.

May isa pang good news, extended ang deadline ng registration ng GCash account details hanggang Agosto 15 (9:00pm).

Siyempre, isinaalang-alang ng local government ang pagpapalawig ng deadline para sa mga benepisyaryo na hirap o nakakaranas ng delay sa verification ng kanilang GGash accounts.

Maliban nga pala sa pamamahagi ng GCash ayuda, nabanggit din sa amin ni Ms. Tez na tuloy-tuloy ang distribusyon ng food packs sa mga residenteng apektado ng ECQ.

Katunayan, as of August 10, nasa 1,569 relief packs na ang naipamahagi ng Social Services Department (SSD) sa iba’t ibang komunidad.

Saludo kami sa Munti LGU sa pagbabantay nito sa mga hinaing ng mga Muntinlupeños sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proactive na mensahe upang liwanagin ang mga isyung may kinalaman sa ayuda.

Gumagamit din naman ang lokal na pamahalaan ng feedback mechanism tulad na lamang ng binuo nitong grievance & appeals committee kung saan maaaring mapakinggan at matugunan ang mga reklamo ng mga apektadong mamamayan na may kaugnayan sa pamamahagi ng cash aid.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at stay safe & well!

* * *

AT para naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Halos 100K Muntinlupenos nakatanggap na ng GCash ayuda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Halos 100K Muntinlupenos nakatanggap na ng GCash ayuda Halos 100K Muntinlupenos nakatanggap na ng GCash ayuda Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.