Facebook

Lagpas 1M anti-COVID vaccine, naiturok na sa Maynila — Isko

LAGPAS na sa isang milyong marka ang naiturok na anti-COVID vaccine sa mga indibidwal sa lungsod ng Maynila.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno kasabay ng paghahatid nito nang masamang balita kaugnay ng pagiging full capacity na ng
Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) sa Sta. Ana Hospital, na siyang itinakda bilang ‘COVID Center’ ng Maynila sa kasagsagan ng pandemya noong isang taon.

Sinabi ni Moreno na hanggang alas-5 ng hapon nitong Aug.12, ang kabuuang bilang ng mga naturukan na sa kabisera ng bansa ay 1,007, 711. Sa nasabing bilang 667,440 ang tumanggap na ng full dose habang ang kabuuang bilang ng naiturok ay 1,636, 354.

Ayon pa sa alkalde ang eligible population ng Maynila na 18 hanggang 100 years old ay 1,065,149 at sa bilang na ito puntirya ang 80 percent population protection, na nagawa na ng lungsod.

Habang ang kabuuang populasyon ng Maynila ay nasa 1.9M kabilang na ang mga nasa edad 17 pababa, ang target percentage ay hindi maaabot dahil hindi pa pinapayagan ang pagbabakuna ng mga menor-de-edad ng Department of Health (DOH).

Samatala sinabi ni Moreno na habang puno na ang Sta. Ana Hospital , ang 94 percent occupancy rate naman ng Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) sa Luneta sa ilalim ni Dr. Arlene Dominguez ay bumaba sa 92 percent nitong August 12.

‘Puno na ang Sta. Ana. Nakalulungkot, bagamat napakarami nating itinatag, kagaya ng aking inaasahan, nangyari sa atin gaya ng sa ibang bansa. Mayroon pa tayong espasyo bagamat konting-konti na lang. Pipilitin natin itong malagpasan,” sabi ni Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na si Vice Mayor Honey Lacuna na tinamaan ng COVID kamakailan at patuloy naka-confined sa Sta. Ana Hospital na matatagpuan sa sixth district at patuloy na bumubuti ang kalagayan sa pangangalaga ng direktor nitong si Dr. Grace Padilla.

“May awa ang Diyos. Kailangang-kailangan ko tulong ninyo. Kailangang-kailangan ko ang tulong niya (Lacuna) at ang tulong ng lahat. Sama-sama tayo dahil iisang bangka lang tayo. Pag nabutas ang bangkang ito, sabay-sabay tayong lulubog. Grabe ang bugso ng pasyente kaya mag-iingat tayo. Doble ingat mga kababayan…Medyo masama po ang sitwasyon ,” sabi pa ng alkalde.

Pinasalanatan ni Moreno si Lacuna, Manila Health Department (MHD) sa ilalim ng pinuno nito na si Dr. Arnold Pangan, mga health frontliners, opisyal ng barangay, doctors, nurses, Sangguniang Kabataan at volunteers sa tagumpay ng mass vaccination program ng lungsod na siyang dahilan upang malagpasan ng local government ang isang milyong marka sa maiksing panahon. Nagsimula ang programa noong Marso.

Samantala ay sinabi ni Moreno na ang occupancy rate sa ibang city-run hospital ay 55 percent habang 21 percent occupancy rate naman ang narehistro sa mga quarantine facilities.

Mayroon ng 208 kumpirmado at aktibong kaso ng COVID sa Maynila kung saan 146 gumaling at apat ang namatay habang 141,795 ang nabigyan ng libreng swabtesting sa kasalukuyan. (ANDI GARCIA)

The post Lagpas 1M anti-COVID vaccine, naiturok na sa Maynila — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lagpas 1M anti-COVID vaccine, naiturok na sa Maynila — Isko Lagpas 1M anti-COVID vaccine, naiturok na sa Maynila — Isko Reviewed by misfitgympal on Agosto 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.