Facebook

“Irresponsible media” ba sina Ka Tunying at Baja?

“IRRESPONSIBLE MEDIA” na bang maikakategorya sina ANTHONY “KA TUNYING” TABERNA at GERRY BAJA dahil sa kanilang programa na DOS POR DOS sa DZRH radio station ay isang dalubhasang doktor na komokontra sa isinusulong ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na mabakunahan ang mga kabataan ang kanilang binigyang pagkakataon na maisahimpapawid ang pananaw nito?

Sa punto ng ARYA.., ang DOH ang mali at wala sa posisyon para diktahan kung ano ang gagawin ng MEDIA… sina KA TUNYING at BAJA ay mga RESPONSIBLE JOURNALIST dahil pinagpaliwanag nila ang kanilang SOURCE PERSON na si DR. ROMEO QUIJANO kung bakit nasabi nitong hinde dapat pang mabakunahan ang mga bata laban sa COVID-19. Si DR. QUIJANO ay isang TOXICOLOGY & PHARMACOLOGY DEPARTMENT PROFESSOR ng UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MANILA.

Nitong August 12 dahil nag-viral sa SOCIAL MEDIA ang panayam ng 2 BROADCAST JOURNALIST.., ang DOH sa pamamagitan ng kanilang official facebook ay naglabas ng kalatas-pagkondena hinggil sa umano’y pagpapakalat ng “false informations” ng mga health professional na nagsasabing UNSAFE ang COVID VACCINES.

Sa bahagi ng kalatas-pagkondena ng DOH ay ipinunto na “It is likewise irresponsible for media outlets to allow such professionals to use their platforms to spread baseless information that stand to harm Filipinos especially those who are in the process of deciding to get vaccinated”.

Muli, ipupunto ng ARYA ay walang kapangyarihan para diktahan ang MEDIA na nasa kategoryang 4th ESTATE para sa malayang pamamahayag. Ang kailangan ng DOH ay magpaliwanag o depensahan ang iniaakusa ng mga kaparehas din nilang mga dalubhasa at ang naging programa kamakailan ng DOS POR DOS ay bahagi ng PATAS NA PAMAMAHAYAG.

Ang MEDIA at ang PUBLIKO ay hinde dapat itulad sa mga kabayo ng mga GOVERNMENT OFFICIAL na nilalagyan ng takip ang mga mata para iisang direksiyon lang ang makikita.

Mas mainam kung pagbibigyan ng GOVERNMENT OFFICIAL ang.mga katulad nilang HEALTH EXPERTS para maidetalye ang lahat ng basehan.., dahil bahagi pa rin ito sa kapakanang-pangkalusugan ng mamamayan… at huwag gawing ROBOT ang mga tao na kung ano ang COMMAND ay yun lamang ang dapat gawin…, ika nga MALAKING KAHANGALAN ang ROBOTIC FORM OF ADMINISTRATIONS..

Puspusan nga ang pangjihikayat ng DOH na magpabakuna ang lahat.., pero ang RESPONSIBILIDAD ay hinde naman isinasagawa ng DOH OFFICIALS tulad ng COVID-19 NATIONAL VACCINE INDEMNITY FUND.., na laang pantustos sa sinumang tao na sasailalim sa COVID-19 VACCINATION PROGRAM at sakaling may mamatay o dadanas ng permanent disability o kaya ay maratay sa ospital dahil sa matinding adverse effect ay sagot ng gobyerno ang lahat ng gastusin ng pasyente.

Gayunman, sinasabi ng DOH OFFICIALS na kailangan pa ring siyasatin kung ang covid vaccines ba ang ikinasawi o ikinaospital ng pasyente na nakakumpleto sa HUMAN VACCINE TRIALS…, naku e umiiwas sa responsibilidad ang mga.kinauukulan o ayaw lang nilang galawin ang COVID VACCINE INDEMNITY FUND.., e saan kaya nila gagamitin?

Ang taong malusog at walang dinaramdam sa pangangatawan noong isagawa ang pagbabakuna at makalipas ang mga araw ay nagkaroon ng adverse effect o namatay ay walang ibang pinag-ugatan kundi epekto ito ng bakuna at huwag idahilan ng mga doktor na ang ikinasawi ay dahil may taglay na ibang sakit ang namatay. Indirect na iniiwas ng mga kinauukulan ang responsibilidad na dapat ay kargo nila.

Hinde lamang si DR. QUIJANO ang tumututol na mabakunahan ang mga bata, kundi.., nariyan din si CONCERNED DOCTORS AND CITIZENS PHILIPPINES, PRESIDENT DR. BENIGNO AGBAYANI JR na nanawagang huwag munang bakunahan ang mga bata dahil may peligro raw ito.

Nariyan din ang isang DR. JOSE OCLARIT na isang MOLECULAR BIOLOGIST na peligro raw ang bakuna.

Ang naturang mga personalidad at ang MEDIA ay hinde nararapat na harangin o pagbawalan ng GOVERNMENT OFFICIALS, sa halip pagbigyan ang mga ito na iharap o ipakita nila ang mga patunay sa kung ano ang COVID VACCINES at karapatan ng mamamayan sa pamamagitan ng MEDIA, na malaman ang iba’t ibang panig para sa ikatututo at pag-,alam kung ano ang poprotekta sa kalusugan ng bawat indibiduwal laban sa virus!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post “Irresponsible media” ba sina Ka Tunying at Baja? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Irresponsible media” ba sina Ka Tunying at Baja? “Irresponsible media” ba sina Ka Tunying at Baja? Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.