Facebook

Col. Casnilao, walang alam sa jueteng nina ‘E. Mabagsik’ at ‘Kap. Biskkotso’ sa Tanuan City at paihi ng “Tres Muskereteros” sa Batangas City

NAPAKASAHOL ng bentahan at paggamit ng iligal na droga sa Tanuan City kahit napatay na ang alkalde rito.

Tiniyak ‘yan ng impormante ng BIGWAS! na pawang residente ng Tanuan.

Ang mga natsitsismis na batiking drug dealer ay patuloy ang operasyon, banggit ng source.

Ang kadalasang hinihuli ng mga pulis ay pipitsuging tulak, patuloy ng source.

Ang inaasahan daw ng mga residente ng Tanauan ay masusugpo ang talamak na bentahan at paggamit ng iligal na droga sa kanilang lungsod dahil ito ang dahilan kung bakit pinatay ang tatay ni Mayor Angeline Sweet Halili na si Mayor Antonio Halili noong Hulyo,2018.

Sa halip na agresibong labanan at sugpuin ng administrasyon ni Mayor Sweet Halili ay mistulang naging ‘sentro’ pa umano ng iligal na droga ang Tanauan.

Isang napapabalita ng ‘pasok’ sa iligal na droga ay si alyas “E. Mabagsik”.

Ang E. Mabagsik daw na ito kilala ring jueteng operator sa Tanauan.

Ang pasugal niya ay inilalarga, sa pamamagitan ng bookies ng small town lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO).

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, pihadong kawawa ang pamahalaan sa diskarte ni alyas E. Mabagsik.

Pasok na sa droga, nakalubog pa sa jueteng o STL bookies itong Mabagsik na ito, ngunit hindi man lang hinahanting ng mga pulis ng Batangas.

Imposible namang hindi alam ni Colonel Glicerio Casnilao ang mga negosyo ni alyas E. mabagsik, samantalang siya ang hepe ng intelligence division ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong si General Guillermo Lorenzo Eleazar ang direktor ng yunit na ito ng Philippine National Police (PNP).

Sana, patunayan pa rin ni Casnilao ang pagiging matikas niya sa gawaing paniniktik kahit na direktor na siya ng PNP sa Batangas.

Hindi ba alam ni Colonel Casnilao ang rebisahan ng jueteng o STL bookies ng naturang alyas E. Mabagsik ay sa Barangay Janopol sa Tanuan?

Hindi rin ba nakarating sa kanyang tanggapan ang impormasyon tungkol sa mga kasapakat ni alyas E. Mabagsik sa jueteng o STL bookies na sina alyas “Ms. Anabel” ng Pantay na Matanda, alyas “Ms. Lilian” ng Brgy. Sambat at alyas “Ms Donna” ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda?

Idiniin ng source na itong si alyas E. Mabagsik at sina alyas Ms. Anabel, alyas Ms. Lilian at alyas Ms Donna ay kinukolektahan ni alyas “Kap. Biskkotso”.

Nagibibigay naman daw sila kay Biskkotso dahil sa takot na ipatigil ang kanilang iligal na negosyo ni Brigadier General Eliseo Dc Cruz, hepe ng PNP – Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Sabi ng source, pangalan ni BG Cruz ang isinasangkalan at ipinagdidiinan ni alyas Kap. Biskkotso sa kanyang lingguhang pangungolekta ng tara kay alyas E. Mabagsik at mga kasapakat nito sa iligal na negosyo.

Doble kita itong si kap dahil mayroon itong jueteng o STL bookies na ang rebisahan ay sa Brgy. 7. Poblacion.

Pokaragat na ‘yan!

Sino ba ang punong barangay ng Barangay 7, Poblacion sa Tanuan?

Bukod sa droga at jueteng, hindi rin patatalo ang napakasahol at napakatagal nang operasyon ng paihi sa Batangas.

Imposible ring hindi alam ni Colonel Casnilao ang iligalidad na ito, gayong mahusay siya sa gawaing paniniktik.

Ang paihi ay nagaganap sa Batangas City na pinatatakbo ng grupong tinaguriang “Tres Musketeros”.

Kinabibilangan nina alyas “Arlon”, alyas “Buloy” at alyas “Ronald” ang Tres Musketeros na ang base ng operasyon ng paihi ng gasolina sa ilang barko ay sa Batangas City.

Pokaragat na ‘yan!

Alam kaya ito ng liderato ng PNP-Maritime sa lungsod at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP-Calabarzon kung saan konektado ang isang Mike Quijano?

Abangan!

The post Col. Casnilao, walang alam sa jueteng nina ‘E. Mabagsik’ at ‘Kap. Biskkotso’ sa Tanuan City at paihi ng “Tres Muskereteros” sa Batangas City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Col. Casnilao, walang alam sa jueteng nina ‘E. Mabagsik’ at ‘Kap. Biskkotso’ sa Tanuan City at paihi ng “Tres Muskereteros” sa Batangas City Col. Casnilao, walang alam sa jueteng nina ‘E. Mabagsik’ at ‘Kap. Biskkotso’ sa Tanuan City at paihi ng “Tres Muskereteros” sa Batangas City Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.