Facebook

6 biyahero nameke ng swab test results mula Recto, arestado sa Baguio City

INARESTO ang anim na pasahero ng isang van na nagtungo sa tanggapan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa skills assessment test ng mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) dahil sa pagpapakita ng pekeng negative RT-PCR test results.

Ayon kay BCPO Station 10 chief, Captain Juan Carlos Recluta, araw ng Linggo nang madiksubre ang mga kahina-hinalang dokumento sa central triage sa Baguio Convention Center.

Sa report, 10:00 ng umaga noong Sabado nang dumaan sa quarantine checkpoint sa Marcos Highway ang isang private van lulan ang 12 katao kabilang ang driver.

Nagprisinta ang mga ito ng test results at mga documentary proof kung bakit sila nasa Baguio.

Matatandaang July 30 nang ipagbawal ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong Jr. ang non-essential travels sa lungsod.

Kabilang sa mga nagprisinta ng mga pekeng dokumento ay nasa pagitan ng edad na 21 hanggang 38 at residente ng Quezon City; San Jose del Monte, Bulacan; Malaybalay City; Bukidnon; Imus, Cavite; at Zamboanga City.

Inamin ng anim na wala silang pera para makapagpa-test kaya napilitan silang magpagawa ng mga pekeng dokumento sa Recto Avenue sa Maynila.

Nahaharap ang mga dinakip sa mga kasong may kaugnayan sa pamemeke ng dokumento at paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

The post 6 biyahero nameke ng swab test results mula Recto, arestado sa Baguio City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
6 biyahero nameke ng swab test results mula Recto, arestado sa Baguio City 6 biyahero nameke ng swab test results mula Recto, arestado sa Baguio City Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.