INATASAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang PNP na masusing imbestigahan ang pagkakapatay ng isang barangay tanod sa isang curfew violator sa Tondo, Maynila.
Diumano ang 59-anyos na biktima ay may kapansanan sa pag-iisip.
Naaresto na ang salarin na nakilalang si Cesar Panlaqui ng Barangay 158, Dagupan Extention, Tondo.
Sinabi nito na sinaway niya ang biktima dahil kinakalabog ang gate ng mga bahay sa may Tayuman street noong Sabado.
Nabanggit na may nakuhang mga laruang baril sa biktima, na namatay sanhi ng tama ng bala sa dibdib.
Ayon kay Panlaqui ang nakuhang ilegal na .38 revolver sa kanya ay pangdepensa niya sa sarili.
The post DILG pasok sa pagkakapatay ng bgy. tanod sa curfew violator sa Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: