LABINGLIMA (15) pang Persons Deprived of Liberty (PDL) ang pinalaya nitong Agosto 5 mula sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa loob lamang ng tatlong araw mula Agosto 2, nasa 32 PDL na ang lumaya mula sa NBP.
Ang dahilan ng paglaya ng mga naturang PDL ay alinman sa nabigyan ng parole, tapos nang magsilbi sa mga kondisyon sa bilangguan, o napawalang- sala na sa kasong isinampa laban sa kanila.
Pinabilis nina BuCor Director General Gerald Q. Bantag at Superintendent for Medium Security Camp CSupt. Victor Erick L. Pascua ang paglaya ng mga nasabing PDL.
Noong Hunyo, may kabuuang bilang na 565 PDL ang napalaya mula sa iba’t ibang pasilidad ng BuCor.
The post 15 PDL laya na sa Bilibid appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: