NASAWI ang apat na tripulante ng isang fishing vessel dahil sa suffocation sa karagatang sakop ng Barangay Talisayan, Zamboanga City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Joseph Oro, boat captain, 25 anyos; Marjon Oro, third mate, 37, kapwa taga Sangali, Zamboanga; Charlie Caspe, crew, 29; at Billy Lamag, crew, 27, kapwa taga Negros Occidental.
Sa ulat ng PCG, rumisponde and coast guard District Southwestern Mindanao sa maritime incident kaugnay sa apat na crew members ng FV Julius 558.
Sa imbestigasyon ng PCG, sinabi ni Chief Engineer Sonny Morales na inutusan ni Boat Captain Oro ang dalawang crew na sina Marjon at Lamag na linisin ang storage compartment ng isda gamit ang submersible pump.
Ilang sandali pa, narinig nang sumisigaw sina Oro at Lamag na nahihirapan nang huminga at nakararanas na ng pagkahilo.
Tinangka namang tumulong nina Oro at Caspe ngunit maging sila ay napahamak din.
Nang silipin ni Morales ang mga tripulante, napansin nitong wala nang mga malay dahilan para itawag sa kanilang kumpanya at inatasan ang ibang marino na i-rescue ang walang malay nilang kasamahan.
Agad namang minaniobra ni Chief Mate Juanito Ibañez Jr. ang barko patungong YL Wharf Talusay Zamboanga City.
Pagdating sa lugar, dinala sa Zamboanga Doctors Hospital/Brent Hospital ang mga biktima pero idineklarang ‘dead on arrival’ .
Ang boat captain at si Marjon ay namatay dahil sa Asphyxia Secondary to Drowning.
Ang sanhi naman ng pagkamatay nina Caspe at Lamag ay Acute Respiratory Distress Syndrome Secondary to Toxic Inhalation of Unknown Gas.(Jocelyn Domenden)
The post 4 TRIPULANTE NG BARKO PATAY SA SUFFOCATION! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: