ININDORSO ng PDP-Laban National Council ang tambalang Go-Duterte (Senator Christopher Lawrence T. “Bong” Go at Davao City Mayor Sara Duterte) sa darating na 2022 national election.
Ayon kay Sen.Go nagbibigay ito ng lakas sa kanya na makapagserbisyo ng maayos at nagpapasalamat sa Panginoon.
Sa press release nagpapasalamat din si Go sa kanyang mga kasamahan sa PDP-Laban sa kanilang suporta sa iisang hangarin na makatulong nang husto sa ating kapwa.
Kaugnay nito nagpasalamat din ang senator sa taumbayan sa kanilang mataas na tiwala na ibinigay dito bilang senador at tagapaglingkod.
Naniniwala rin ang senator na nakikita ng partido na ito ang tandem para maipagpatuloy ang mga magagandang pagbabago na nasimulan ng administrasyong Duterte.
Samantala sinabi ni Go na magsisilbi itong inspirasyon sa kanya upang mas pagbutihin ang kanyang paninilbihan sa sambayanang Pilipino.
“But, as I have said many times before, I leave my fate to God, to the Dutertes (both PRRD and Mayor Sara) — kung ano man po ang kanilang magiging desisyon sa pulitika — and to the Filipino people to whom I owe this opportunity to serve our country” ayon pa kay Sen. Go.
Idinagdag pa ng Senator na nagbibigay itong pagkakataon sa kanya na maglingkod kung kaya’t hindi umano nito sasayangin ang oras na ito na makapagserbisyon sa kapwa Pilipino sa abot ng kanyang makakaya.
Ayon pa kay Go bilang chair ng Senate Committee on Health, patuloy nitong tututukan ang pagtulong sa gobyerno at sa kapwa na malampasan ang pandemya sa lalong madaling panahon. At sinabing inuuna nito ang buhay at kapakanan ng mga Pilipino bago ang lahat.
Sinabi pa ng Senator na darating rin ang tamang panahon para pag-usapan ang eleksyon. Sa ngayon, pag-usapan muna natin ang bakuna at pagsugpo sa COVID-19 bago ang pulitika.
Ayon pa dito kung tatanungin niyo ako muli, pareho rin ang isasagot ko sa inyo: I am not interested. When the right time comes, consider me last. Kung ano na lang yung tira, yun na lang ang akin. Dahil para sa akin, only destiny can tell.(Boy Celario)
The post Go-Duterte tandem inindorso ng PDP-Laban National Council appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: