Facebook

87-anyos lola napaiyak at hinanap ang ina nang turukan ng bakuna

KINAALIWAN ng netizen ang 87-anyos na lola na nagmistulang bata na napaiyak at nabanggit ang kaniyang ina habang tinuturukan ng Covid-19 vaccine sa Pangasinan .
Sa ulat, ipinakita ang video habang tinuturukan si lola Erlinda Lingad ng gamot kontra-Covid at napapasigaw sa takot.

Kuwento ni Lola Erlinda, bigla niyang naalala ang kaniyang nanay na sinasamahan siya noong bata pa siya tuwing magpapabakuna.

Aminado si Lola Erlinda na takot siya sa injection pero nagpaturok na rin siya ng Covid-19 vaccine dahil gusto pa niyang mabuhay at makasama ng matagal ang kaniyang mga anak at mga apo.

Wala naman daw siyang naramdamang side effect ng bakuna at nakapagwalis pa nga raw siya sa harapan ng bahay kinabukasan.

Hinimok ni Lola Erlinda ang iba niyang kapwa senior citizens na magpabakuna na rin para maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.

The post 87-anyos lola napaiyak at hinanap ang ina nang turukan ng bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
87-anyos lola napaiyak at hinanap ang ina nang turukan ng bakuna 87-anyos lola napaiyak at hinanap ang ina nang turukan ng bakuna Reviewed by misfitgympal on Agosto 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.