Pinamalayan, Oriental Mindoro – Nasawi ang apat sa siyam na magpipinsan sa kanilang paliligo sa Paraiso Beach sa Barangay Zone 1 ng nabanggit na bayan, Sabado ng hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Madelyn Delos Santos,18 anyos; Lougi Delos Santos, 13; Anna Janina Lanot, 11; at Jake Maranan, 17, mga residente sa naturang na bayan.
Sa imbestigasyon ng Pinamalayan Municipal Police Station sa pangunguna ni Lt. Colonel Anthony J. Ramos, ang hepe ng pulisya, naliligo at naglalaro ang siyam na magpipinsan sa malalaking alon sa beach nang tangayin ang lima sa kanila sa malalim na bahagi ng dagat.
Nagawa pang iligtas ni Madelyn si Maria Janela Andal at binalikan ang iba pang nalulunod na mga kasama, subalit pati siya ay nalunod narin.
Agad naman sumaklolo ang mga bantay dagat sa lugar at nagawa pang dalhin sa pagamotan ang tatlong naunang mga biktima subalit binawian ang mga ito ng buhay. At bandang 6:41 ng hapon ay narekober naman ang katawan ng pang apat na biktimang si Jake na binawian din ng buhay sa pagamutan. (Koi Laura)
The post 4 magpipinsan nasawi sa lunod sa Mindoro appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: