NABANGGA at nagulungan ng lite ace van ang isang motorista na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan sa crossing sa Amadeo, Cavite, Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Chester de Leon, 33 anyos, ng Barangay Minatok West, Amadeo.
Ang driver naman ng orange lite Ace na may plakang RTGE 714 ay kinilalang si Joie Granada, 35, ng Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite.
Sa ulat, 9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa junction ng CM Delos Reyes at East West Road, Banaybanay, Amadeo.
Ayon sa report, patungong East at papatawid sa juncion ng CM Delos Reyes Ave. ang biktima subali’t hindi nito napansin na bago sumapit sa junction ay mayroon crossing siyang madaraanan. At nabangga ito ng paparating na van at nakaladkad at nagulungan pa na nagresulta ng agad nitong kamatayan.
The post Rider kinaladkad na, nagulungan pa ng van appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: