SADYANG mailap pa rin ang gintong medalya sa Olympic boxing para sa Pilipinas.
Hindi nakayanan ni Carlo Paalam ang bigat ng ekspektasyon sa kanyang balikat upang ibigay ang buwenamanong Olympic boxing gold para sa bansa matapos siyang yumukod sa mas superyor na kalabang si Galal Yafai ng Great Britain sa finals ng flyweight boxing event ng Tokyo Olympics sa Japan.
Umakyat sa ring si Paalam na punung-puno ng pag-asa sa dibdib nito para sa kasaysayan at ang puso at tapang niya ay siksik para sa sambayanan pero isang mabigat na kaliwa sa panga ni Carlo ang pinawalan ni Yafai na sinundan pa ng kumbinasyon ang nagpaluhod sa Pinoy pride sa kalagitnaan ng unang round.
Baon ang determimasyon ay agad na bumangon si Paalam upang burahin ang dagok na iyon at magiting itong nakipagsabayan kontra Briton hanggang dulo.
Matapos ang walang puknat na bigwasan hanggang final round ay naging dikit ang laban pero ang epekto ng first round knockdown na iyon ang nagbigay ng ungos para sa gold , split ang decision ng mga hurado para sa makasaysayan ding unang Olympic gold para sa bansang Great Britain kortesiya ni Yafai.
Klaro ang resulta- walang lutong – Makaw, wala ring robbery in Tokyo, talo talaga si Carlo.
Bagama’t silver lang ang maiuuwi ni Paalam para sa bayan ay wala naman siyang dapat ikahiya dahil sa magiting itong lumaban hanggang final bell para sa kababayan.
Ang silver ni Carlo ay ikalawa ng ‘Pinas sa Tokyo Olympics bukod kay Nesthy Petecio habang si Eumir Marcial ay nakabigwas ng bronze na mabunga nang kampanya ng Philippine boxing team sa Olympiyada.
This is not GOODBYE for PAALAM, bata pa siya at puwede pang mag-pokus para sa susunod sa 2024 Paris Olympic sa France,,, ABANGAN!
Lowcut: Optimistiko ang korner na ito na luluwag na ang sitwasyon sa ipinatutupad na community quarantine ng IATF.Matutuloy din ang noble project nating Danny GILAS Simon Arts Clinic for potensiyal kid ARTISTS in the counryside.Ngayon pa lang ay maraming salamat sa ating taga-suporta sa ating adbokasiya.Bukod sa libreng pagtuturo ng basic arts ay mamamahagi rin tayo ng mga kagamitan sa arts para sa mga kabataang magiging alagad ng sining.
Bagama’t di nasungkit ni Carlo Paalam ang boxing gold, sa pangkalahatan ay saludo ang M-24 Maharlikans sa pamumuno ni founder Doc Chito Collantes M2rB1024 sa Team Philippines na sumabak sa Tokyo Olympics. One gold, two silvers and one bronze ay isa nang mabungang tagumpay para sa Sambayanan.
Mabuhay ang Atletang Pilipino!.. mula sa M-24 Maharlika Builders of Guardians -Canada/ USA/ Manila, Philippines.Shoutout kina Sis Lingling Adora, Sis Alicia Santiago,Sis Daisyline, Bro Armand Quimitista,Sis Geraldine Thelmo, Sis Ma.Theresa ‘Monet Abad at Sis Mary Ann Boton Pooran diyan sa Canada at USA ,op kors sa ating Kapatiran dito sa Manila, Caloocan, Calamba, Tagaytay,Amadeo, Pandi at QC.
Special mention sa ating kabalen , kapuso, kapamilya at kaisport diyan sa Roma, Italy na si Ms Tarlacqueña Yolanda Santos Lanario .CI VEDIAMO!
The post TALO MAN SI CARLO, BYE TOKYO HELLO PARIS PA RIN! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: