NAGSALITA na si Vice President Leni Robredo tungkol sa nangyaring pag-uusap nila ni Senador “Ping” Lacson para sana sa “pagkakaisa” ng mga oposisyon para sa Halalan 2022.
Gusto kasi ni VP Leni ay isa lang ang tatakbong presidente laban sa administration presidentiable, kampo ni Presidente Rody “Digong” Duterte, para makatiyak ng panalo.
Pero naunang nag-anunsyo si Lacson na tatakbo si-yang Presidente at ang running mate ay si Senador Tito Sotto.
Sina Lacson at Sotto obviously ay pro-administration ever since. Ngayon lang sila nagpapakita ng bahagyang pagkontra at pagpuna sa mga kapalpakan at “maling” polisiya ng administrasyong Duterte matapos nilang ianunsyo ang kanilang tandem para sa 2022 presidential derby.
Si VP Leni mismo ang nagsadya sa kampo nina Lacson two weeks ago?, para nga pag-usapan nga ang kanilang unity. At kahapon lamang inanunsyo ni VP Leni na hindi sila nagkasundo. Dahil ang gusto ni Lacson ay mag-file nalang silang lahat (presidentiables) ng candidacy sa Oktubre. At kung sino ang mahina sa survey ay mag-withdraw nalang ‘pag malapit na ang halalan. Ha ha ha… iba talaga ang utak ni Ping.
Naalala ko tuloy ang ginawa ni Ping kay Erap noon. Matapos siyang italaga ni Erap na Chief PNP mula sa ranggong Kernel noong 1998 ay kinalaban pa si Erap sa muling pagtakbong pangulo noong 2010.
Anyway, hindi nga nagkasundo sina Leni at Ping para sa united opposition. Kanya-kanyang kayod ang gusto ni Ping, na hindi naman lumalabas sa alinmang survey sa pagka-pangulo.
Sabi naman ni VP Leni: “Ang gusto ko, kung magpa-file ako hanggang sa huli.. Kaya nga kaya sa akin, yung decision making ang deadline ko Oct. 8. Kung kaya na magdesisyon ng Sept., magdedesisyon na by Sept. Pero para sa akin, pag nag-file ako, hindi ako magwi-withdraw, kahit gaano pa kahirap.” Tibay! Talagang ‘essential” si “Lugaw”. Ha ha ha…
Ang isa pa sa mga kinausap ni VP Leni ay si Senador Richard Gordon na nagbabalak din tumakbong presidente.
Maganda ang response ni Gordon. Maayos raw kausap si Leni at puedeng pagkatiwalaan.
Malamang mag-lineup kay VP Leni si Gordon para Senador.
Si dating Senador Antonio Trillanes naman, na noong una’y umaalam sa paglapit ni VP Leni kina Lacson at Gordon, ay nagpahayag na nauunawaan na niya ang gusto ni VP Leni. At handa siyang magbigay sa kung sino ang mapi-ling running ni Leni. Okey naman daw siya sa lineup ng Senador. Abangan!
***
Kumakalat na ang Sara-Win (Sara Duterte-Carpio – Win Gatchalian) tarpaulins sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nakalagay ito sa mga billboard sa national highways.
Sina Sara at Gatchalian ay nag-usap na raw sa kanilang tandem. Pero hindi pa ito opisyal na inaanunsyo ni Sara.
Kung sakali ngang Sara-Win tandem, paano na sina Bongbong Marcos na hangad maka-tandem ang Duterte?
At paano naman ang Go-Duterte (Sen. Bong Go – President Duterte) tandem?
Well, masasagot ang lahat ng ito sa Oktubre, filing ng CoC. Ang problema, baka-magka-lockdown na naman. He he he…
The post Rason ng ‘no unity’ nina Leni at Ping appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: