Facebook

Asymptomatic at mild COVID-19 na pasyente ‘wag nang i-admit – DOH

NAGPAALALA ang isang opisyal ng Department of Health (DOH) sa mga pagamutan na huwag na munang i-admit ang mga pasyente ng COVID-19 na asymptomatic o may mild case lamang.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa halip na i-admit sa mga pagamutan ay dapat na i-refer na lamang muna ang mga ito sa mga Level 1 health care facilities o sa mga temporary treatment at monitoring facilities.

Layunin nitong maiwasan ang congestion sa mga pagamutan at mas mabigyan ng atensiyon ang mga pasyenteng may severe at critical cases ng COVID-19.

“Ang ginagawa nating paghahanda talaga is to expand more beds para po tayo ay magkaroon ng pag-accommodate sa mga pasyenteng nangangailangan,” paliwanag ni Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

“We need to be able to navigate patients. ‘Yun po ang kritikal sa atin ngayon,” sabi pa nito.

“Nakikita pa rin natin ‘yung ating mga ospital na nag-a-admit pa rin ng asymptomatic at saka mild patient,” ayon pa dito.

Nabatid na noong dumami ang mga kaso ng COVID-19 noong Marso ay halos 50% ng hospital admissions ay mga asymptomatic o mild cases lamang. (Andi Garcia)

The post Asymptomatic at mild COVID-19 na pasyente ‘wag nang i-admit – DOH appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Asymptomatic at mild COVID-19 na pasyente ‘wag nang i-admit – DOH Asymptomatic at mild COVID-19 na pasyente ‘wag nang i-admit – DOH Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.