Facebook

Duterte Drug List pinagkakitaan ng tropa ni ‘Ricki’

NAPAKABAHO ng pagkatao ng pangkat ng mga taong “public relations” ang pinagkakakitaan sa buhay dahil kaya nilang gumawa ng pera kahit eksaherado o walang katotohanan ang kanilang mga kuwento at paliwanag sa kanilang mga naging kliyente.

Nabasa ko sa Metro Sun online newspaper ang tungkol sa nasabing PR Group.

Tatlong tao ang pasok sa pangkat na ito.

‘Yung isa na Filipino-Chinese ang itsura ay kilala ko lang sa pangalan.

Mayroon siyang negosyo sa Quezon City.

Iyong isa ay hindi ko kilala at hindi ko pa rin narinig ang kanyang pangalan kahit kailan, ngunit ang apelyido niya ay katulad ng maimpluwensiyang pulitiko sa Pampanga.

Pokaragat na ‘yan!

Ang ikatlo at huli ay masasabing pamilyar ang pangalan sa akin.

Itago natin sa nickname na “Ricki”.

Nang magsimulang maglingkod si Pangulong Rodrigo Duterte bilang presidente ay madalas na nababanggit ang “Duterte Drug List”.

Kasama sa drug list ang mga pangalan ng ilang gobernador, bise-gobernador, meyor, kongresista, mga kapitan ng barangay at ilang hukom.

Alam n’yo naman ang posibleng mangyari kapag kasama ang pangalan ng pulitiko sa drug list ni Duterte sa unang dalawang taon ng administrasyong Duterte.

Nananatili ang naturang listahan nang magtuluy-tuloy ang madugong kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon.

Ngunit, humantong sa kontrobersiya ang Duterte Drug List dahil naging oportunidad ito upang kumita ang ilang masasamang tao.

Napabalitang pinagkakitaan ang drug-list.

Milyun-milyon daw ang pinag-uusapang pera upang matanggal ang pangalan ng pulitikong kasama sa Duterte Drug List.

Kapag natanggal, opisyal na umanong hindi sangkot ang nasabing halal na opisyal na pamahalaan.

Kaya, kumita ng napakaraming salapi ang mga taong sangkot sa pangingikil.

Ayon sa source, dalawang alkalde raw ang nahuthutan ng tropa ni alyas Ricki.

Pokaragat na ‘yan!

Iyong isa ay naging alkalde sa Pangasinan.

Alkalde naman sa Eastern Visayas Region ang nakikilan ng napakalaking halaga ng pera kapalit ng pagkakatanggal ng kanyang pangalan sa binabanggit nating listahan.

Natandaan ko na todo-todo ang pagtanggi ng nasabing meyor sa krimeng kinasasangkutan niya.

Lubos kong naiintindihan kung bakit tahasan ang pagtanggi niya.

Una, alam niya at alam ng mga taong nagtrabaho upang mailagay sa Duterte Drug List hanggang tanggalin ang kanyang pangalan sa natuirang listahan ng mga drug lord o protektor ng drug lords.

Ang balita ko, tatakbo siyang alkalde sa eleksyon sa susunod na taon.

Pangalawa, mayroon nang pinatay o namatay na alkalde sa panahong masyadong mainit ang isyu tungkol sa iligal na droga.

Itong alkalde sa Eastern Visayas ay nabasa ko sa isang pahayaagan na posibleng tumakbong kongresista sa darating na halalan dahil ang asawa niya ay ibang posisyon ang planong takbuhan.

Nakakadismaya lang ang Duterte Drug List kung ang totoong nangyari ay inilagay lang ng mga masasamang tao ang mga panagalan ng ilang pulitiko upang kumita ng milyun-milyon sa kanila.

Pokaragat na ‘yan!

Natigil na ang multi-milyong kikilan sa listahan ng mga drug lord at protektor nila.

Mabuti naman napatigil na dahil kawawa naman ang mga taong inilagaty upang pagkakitaan lang ng tropa ni Ricki.

Hindi ko alam kung bakit natigil at kung paanong natigil nang hindi ‘naparusahan’ ang mga kriminal sa Duterte Drug List.

Reclamation project naman daw sa Lungsod ng Pasay at Manila ang nakopo ng pangkat ni alyas Ricki.

Siyempre, malakihang halaga na naman itong raket ng tropa ni Ricki.

The post Duterte Drug List pinagkakitaan ng tropa ni ‘Ricki’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Duterte Drug List pinagkakitaan ng tropa ni ‘Ricki’ Duterte Drug List pinagkakitaan ng tropa ni ‘Ricki’ Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.