Facebook

Bantay salakay!: 2 sekyu, 1 pa kulong sa pagnanakaw ng bigas sa Laguna

LAGUNA – Arestado ang dalawang sekyu at isa pa nilang kasabwat sa pagnanakaw ng bigas sa tanggapan ng Cooperative Livelihood Development Office (CLDO) sa Calamba City Hall, Barangay Real, Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Regional Public Information Office (RPIO) Police Major Mary Ann Crester Torres kay PRO4A Director, Brigadier General Eliseo Cruz, ang mga nadakip ay kinilalang sina Adonis Evardon Apalla alias “Barak”, 33 anyos; at Freddie Tejero Basejan alias “Lutbog” 35, kapwa nakatalagang security guard sa CLDO; mga tubong Eastern Samar at parehong residente ng Purok 6, Bgy. Parian, Calamba City; at isang Raymund Bernal, 22, tumatayong buyer, residente ng Bgy. Real.

Sa imbestigasyon, 8:30 ng umaga nang madiskubre ni CLDO Chief, Philip Carlos Bautista, ang nawawakang mga sako ng bigas.

Sa pamamagitan ng kuha ng CCTV sa lugar ay natukoy nina Bautista at Calamba City Chief of Police Lt. Col. Arnel Pagulayan ang dalawang sekyu na sina Apalla at Basehan na silang responsable sa pagkawala ng nasa 52 sako ng bigas, na umaabot sa halagang P150,000. Ibinenta nila ito kay Bernal.

Nabatid na isinagawa ng dalawang sekyu ang pagnanakaw ng mga sako ng bigas nitong nakalipas na tatlong araw kapag malalim na ang gabi.

Kasalukuyang nakapiit ang tatlo sa Calamba City PNP Custodial Cell.(Dick Garay)

The post Bantay salakay!: 2 sekyu, 1 pa kulong sa pagnanakaw ng bigas sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bantay salakay!: 2 sekyu, 1 pa kulong sa pagnanakaw ng bigas sa Laguna Bantay salakay!: 2 sekyu, 1 pa kulong sa pagnanakaw ng bigas sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.