KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang ginang nang pagtatagain at sunugin ng dating ka-live-in nito sa isang compound sa San Miguel, Bulacan.
Kinilala ang biktima na si Margiel Miranda, 43 anyos, ng Barangay San Juan; habang ang salarin ay kinilalang si Emelito Viñas.
Sa report, nangyari ang insidente 9:00 ng umaga ng Sabado.
Ayon sa asawang si Miguel Miranda, nakahiga silang mag-asawa nang dumating ang salarin at pagtatagain si Margiel.
Nagtatakbo si Miguel sa labas para humingi ng tulong subali’t ilang segundo lang nagliyab na ang kanilang bahay nang silaban ng gasolina ni Vinas.
Nilamon ng apoy si Margiel, na putol ang paa dahil sa sakit na diabetes, kasama ang 15 bahay na mabilis na nagliyab.
Agad tumakas si Viñas pero agad na naaresto sa follow up operation ng pulisya.
Sinasabing imposible nang magkabalikan sina Viñas at ang biktima dahil 3 taon nang kasal ito kay Miguel.
Todo tanggi naman si Viñas sa naturang paratang dahil flat bar lamang ang kanyang dala.
Napag-alaman na dati nang nakulong si Viñas sa kasong may kinalaman sa droga.
The post Ginang kinatay at sinunog ng ex-live-in partner appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: