SA kabila ng mahigpit na kampanya kontra iligal na droga at pagdoble sa sahod, may tauhan parin ng pulisya na nasasangkot sa iligal na aktibidad.
Tulad nitong Staff Sergeant Manuel Basilona Bien, nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) sa Kampo Krame, dinakip ng kanyang mga operatiba ng Mandaluyong Police matapos ituro ng nahuling tulak na siyang source ng shabu.
Ayon kay Colonel Gauvin Mel Unos, hepe ng Mandaluyong PNP, si Bien ang itinurong amo ng isang tulak na nadakip sa buy bust na si Alfie Talicad Gomez.
Unang nadakip 4:30 ng hapon si Gomez at inginuso si Bien na siyang pinagkukunan nito ng shabu. At dakong 5:55 nitong Lunes, August 9, nadakip ng mga operatiba si Bien sa buy bust operation sa Dan Rafael St., Barangay Plainview, Mandaluyong City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, itinuro ni Gomez ang isang “Sir Bien” na isang pulis at kaniyang pinagkukuhanan ng suplay ng shabu.
Suot pa ni Bien ang kaniyang fatigue uniform nang maaresto ito sa follow up operation ng kaniyang mga kabaro.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban kay Bien na malamang kaagad masibak sa serbisyo. (Edwin Moreno)
The post ‘Shabu cop’ timbog sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: