Facebook

BASILAN BUMUSLO NG KASAYSAYAN

NAIUKIT ng Jumbo Plastic-Basilan ang kasaysayan sa 2021 Chooks-to-Go Pililipinas Super Cup matapos angkinin ang Mindanao leg championship sa dominanteng pamamaraan nitong Lunes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.

Ginapi ng Peace Riders ang Petra Cement-Roxas Vanguards, 89-70, para tapusin ang best-of-three title series sa 2-0 at kunin ang titulo sa Mindanao leg ng kauna-unahang professional league sa South tangan ang malinis na 10-0 mark kabilang ang walang mintis sa 9-team, one-round elimination.

Makakaharap ng Basilan ang Visayas kings KCS-Mandaue sa best-of-five Southern Championship simula sa Agosto 11.

“Talagang napakasarap nitong championship na ito kasi nandito ka lang sa liga during a pandemic, you’re one of the fortunate na,” pahayag ni Basilan head coach Jerson Cabiltes.
Talimas sa Game 1, matikas na nakihamok ang Vanguards at nagawang makabante sa 34-32 sa halftime. Ngunit sa second half, iba na ang tema ng opensa ng Basilan

“I was very upset during halftime. I scolded all of them. I am very glad that they responded very well,” sambit ni Cabiltes.

Ratsada ang Peace Riders, may hawak ng marka sa pinakamataas na puntos, sa naiskor na 35 puntos sa third period para mabuo ang 14 puntos na kalamangan tungo sa final canto, 67-53.

Matibay na depensa at mas malupit na play ang ibinandera ng Basilan para sa 13-0 run at hilahin ang bentahe sa pinakamalaking 27 puntos, 80-53 may 5:03 ang nalalabi sa laro.

Kumana si Chris Bitoon, tinanghal na Finals MVP, sa naiskor na 10 puntos.

“Sobrang saya na mairepresent yung province ko tapos nag Finals MVP pa ako,” pahayag ni Bitoon, may averaged 15.o puntos, 6.0 assists at 2.5 steals sa serye.

Hataw si season MVP Hesed Gabo sa Basilan na may 13 puntos, tatlong assists, at dalawang rebounds, habang tumipa si Michael Juico ng 12 puntos, anim na rebounds, tatlong steals, at dalawang blocks.

Nanguna si Leo Najorda sa Vanguards na may 15 puntos.

Bukod sa pagiging Mindanao champions, naibulsa ng Peace Riders ang P500,000 gantimpala ni Chooks-to-Go Philippines owner president Ronald Mascarinas. Nakuha naman ng Vanguards P100,000.

The post BASILAN BUMUSLO NG KASAYSAYAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BASILAN BUMUSLO NG KASAYSAYAN BASILAN BUMUSLO NG KASAYSAYAN Reviewed by misfitgympal on Agosto 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.