Facebook

Ex-TODA President nagbigti, patay

PANGASINAN – Patay ang isang dating TODA President nang magbigti sa bayan ng Villasis, Pangasinan.

Sa ulat, umalis ang mga kapamilya ng biktima para makipaglibing at pagbalik nila nadatnan nalang na nakabitin sa kisame ang 59-anyos na biktima gamit ang nylon rope.

Inilarawan ng kanyang mga anak at apo ang biktima bilang isang mabait, mapagmahal at malambing na ama. Nguni’t ilang buwan bago nangyari ang pagpapakamatay, napansin nila itong nababalisa, hindi makausap, at ayaw lumabas ng bahay.

Ilang beses din umano nilang hinikayat ang biktima na magsabi ng problema at kumuha ng propesyonal na tulong ngunit palaging tumatanggi.

Problemang pinansyal ang isa sa mga tinitingnan rason kung bakit nagpatiwakal ang biktima.

Ayon naman kay Police Capt. Arnel Ocasion, Deputy Chief of Police ng Villasis Police Station, ito na ang ikalawang beses na may naitalang suicide incident sa naturang bayan.

The post Ex-TODA President nagbigti, patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-TODA President nagbigti, patay Ex-TODA President nagbigti, patay Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.