Facebook

Groom nagbigti 4 days bago ang kasal nang gahasain ang pamangkin

BUTUAN CITY – Wala nang balak pang ipa-otopsiya ng kanyang mga kaanak ang bangkay ng isang lalaking nagbigti sa Talacogon, Agusan del Sur, apat na araw bago ang kasal nito.

Kinilala ng hepe ng Talacogon PNP, Lt. Val Warren Polanco, ang biktima na si Andy Mondejar, 32 anyos, residente ng Brangay Del Monte ng nasabing bayan.

Ayon kay Lt. Polanco, bumili pa ang biktima ng lubid na pantali umano sa kalabaw at umakyat ng bundok. Bandang 3:00 ng hapon nang matagpuan ni Dennis Salinas na nakabitin na sa puno ng Lanzones na wala ng buhay si Mondejar.

Sa report, umatras sa pagpakasal sa kanya ang kanyang bride-to-be nang malamang ginahasa nito ang kanyang sariling pamangkin.

Masyadong na-depress si Mondejar lalo na’t dumating na ang mga bisita para sa kanilang kasal nang magdesisyon ang kasintahan nitong hindi na itutuloy pa ang kanilang kasal.

The post Groom nagbigti 4 days bago ang kasal nang gahasain ang pamangkin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Groom nagbigti 4 days bago ang kasal nang gahasain ang pamangkin Groom nagbigti 4 days bago ang kasal nang gahasain ang pamangkin Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.