Facebook

Hustisya, hangad ni Isko sa pinagbabaril na MTPB enforcer

BINIGYANG direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno si Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief Dennis Viaje na gawin ang lahat ng magagawa upang mabigyan ng hustisya ang pamamaril sa isang traffic enforcer sa Tondo sa mabilis na panahon.

Binigay ni Moreno ang kautusan makaraang pangunahan nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang paglulunsad ng drive-thru vaccination drive sa Luneta nitong Sabado at hiniling niya rin na ipagbigay alam sa kanya kung ano ang pinakahuling kaganapan kaugnay ng inisidente.

Sinabihan ng alkalde si Viaje na makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak na makikilala, maaresto at masampahan ng napakaraming kaso ang suspek dahil sa napakarami nitong nilabag na batas.

Binigyang diin ni Moreno na ginagawa lamang ng enforcer ang kanyang tungkulin at hindi kailangan na mangyari ito sa kanya.

Ayon kay Viaje, ang biktima ay nasa MTPB na simula nang manungkulan si Moreno bilang alkalde at wala itong naging masamang record.

Matatandaan na noong Biyernes, ang traffic enforcer na si Mark Macmalen, 45, ay muntik ng mamatay nang ilang ulit na pagbabarilin ng motirista na kanyang hinabol dahil sa hit-and-run violation sa Tondo, Manila dakong alas-11 :39 ng umaga.

Nabatid na nagmamando ng traffic si Macmalen nang makita niya ang suspek na sakay nang walang plakang Mitsubishi Lancer na nabangga ang isang biker at mabilis na tinakasan ito. Sa pagtakas ng suspek ay nabangga rin nito ang isang e-trike at motorsiklo.

Mabilis na hinabol ni Macmalen ang tumatakas na suspek at ginamit ang kanyang motorsiklo upang harangin ang sasakyan nito pagdating sa Mel Lopez Boulevard (dating Road 10).

Dahil dito ay mabilis na bumaba ang suspek at binaril ng apat na beses nang malapitan ang biktima at pagkatapos ay inabandona ang kanyang sasakyan at tumakas gamit ang motorsiklo ng biktima.

Sinabi pa ni Viaje na binaril pa ng suspek ang biktima sa ulo at swinerteng dumaplis lang ito. Samantala ang tatlo pang bala ay tumama sa balikat, tiyan at malapit sa kanang kilikili ng biktima. Sinabi ni Viaje na maswerte pa rin ang biktima dahil wala vital organs na tinamaan ng bala.

Nanatiling inoobserbahan si Macmalen sa Tondo General Hospital habang hindi pa rin nakikilala ang suspek.

Sinabi pa ni Viaje na sa utos sa kanya ni Moreno ay nakipag-coordinate na siya kay Manila Police District (MPD) Director Gen. Leo Francisco, special mayor’s reaction team chief Col. Jhun Ibay at Land Transportation Office upang malaman kung ang kotseng inabandona ng suspek ay carnapped o pag-aari nito. (ANDI GARCIA)

The post Hustisya, hangad ni Isko sa pinagbabaril na MTPB enforcer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hustisya, hangad ni Isko sa pinagbabaril na MTPB enforcer Hustisya, hangad ni Isko sa pinagbabaril na MTPB enforcer Reviewed by misfitgympal on Agosto 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.