Facebook

Ika-134th Malasakit Center binuksan sa Talavera, Nueva Ecija; Bong Go, patuloy sa pagsusulong na magkaroon ng mas mahusay na access sa healthcare ang mga Pinoy

NANGAKO si Senador Christopher “Bong” Go na tuluy-tuloy ang gagawin niyang pagsusulong sa mas accessible na healthcare para sa mga Pinoy habang tinutulungan ang pamahalaan na mapaghusay pa ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ngayong nahaharap ang bansa sa krisis pangkalusugan.

Ang pangako ay ginawa ni Go, na siyang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, nang pangunahan niya kamakailan ang virtual launch ng ika- 134th Malasakit Center ng bansa, na matatagpuan sa Talavera General Hospital sa Talavera, Nueva Ecija.

Ito na ang ika-12 Malasakit Center sa Central Luzon at ikatlo naman sa Nueva Ecija, bilang karagdagan sa mga center na matatagpuan sa Eduardo L. Joson Memorial Hospital at sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, na kapwa nasa Cabanatuan City, at magkasunod na binuksan noong 2019 at 2020.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Go na ang kanyang mga nakitang paghihirap ng mga ‘underprivileged patients’ sa Davao City noong alkalde pa lamang si Pang. Rodrigo Duterte ang siyang nagtulak sa kanya upang gumawa ng mga batas na makatutulong upang matugunan ang pangangailangang medikal ng mga mahihirap na pasyente.

“Nung mayor pa si Pang. Duterte, marami po ang lumalapit sa kanya sa (Davao) city hall na nanggagaling pa as far as General Santos, Zamboanga, o Surigao para humingi ng tulong sa kanilang pampa-ospital. Sabi ng Commission on Audit, hindi daw pwede gamitin ang pera ng Davao City dahil hindi sila residente,” ani Go.

“Kaya doon ko nakita ‘yung puso ni Pangulong Duterte sa mga mahihirap. Dahil hindi n’ya po matiis na tanggihan itong mga pasyenteng ito, dahil para sa kanya, Pilipino rin po ang mga ito… sabi niya — hanapan mo ng paraan ‘yan. Hindi na ako uupo dito sa City Hall kung hindi ko sila matulungan. Doon ho nag-umpisa ‘yung konseptong Malasakit Center,” dagdag pa niya.

“Sabi ko, bakit ba natin pinapahirapan ang mga kababayaan natin? Hirap na nga sila at may sakit, pinapahirapan pa. Sa totoo lang, pera naman ng lahat ‘yan. Dapat ibalik ng gobyerno ito sa mga Pilipino sa pamamagitan ng maayos, maaasahan at mabilis na serbisyo,” patuloy pa ni Go.

Upang matugunan naman ang problema, pag-upo ni Go sa Senado ay kaagad niyang iniakda at inisponsoran ang panukala na naging Republic Act No. 11463, o The Malasakit Centers Act of 2019, na naglalayong maging mas accessible ang medical assistance programs ng pamahalaan sa mga pasyente, dahil inilagay na lamang sa iisang bubong ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Hindi niyo na kailangan pumila o umikot pa sa iba’t ibang opisina para humingi ng tulong pampagamot. Nasa isang kwarto sa loob ng ospital na po. Lapitan niyo lang, inyo po iyan. Ang Malasakit Center ay para sa mga poor at indigent patients,” ani Go.

Nakiusap pa siya sa management ng mga pagamutan na, “Pakiusap sa hospital management… huwag niyo pababayaan ang mga mahihirap nating kababayan, lalo ‘yung mga helpless, hopeless at walang matakbuhan… Lubusin niyo ang pera ng gobyerno para sa mga mahihirap. At kung may maitutulong ako sa inyong ospital, magsabi lang kayo.”

Samantala, pinaalalahanan rin naman ni Go ang mga eligible residents na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang maprotektahan sila laban sa coronavirus. “Importante na bakunado kayo para maiwasan niyo ang mga severe na sintomas ng sakit kung ma-infect man kayo. Kaya ‘wag kayo matakot sa bakuna. Matakot kayo sa COVID-19 dahil ito ang nakakamatay. Gaya ng sabi ng mga eksperto, if you’re not protected against COVID-19, the virus will itself find you and infect you,” aniya.

Ipinagmalaki rin niya na isang milestone na naman ang naabot ng bansa matapos na makapag-administer ng 710,482 doses ng bakuna sa isang araw lamang. Labis rin aniya itong ikinatutuwa ng pangulo dahil marami na ang gustong magpabakuna. (Mylene Alfonso)

The post Ika-134th Malasakit Center binuksan sa Talavera, Nueva Ecija; Bong Go, patuloy sa pagsusulong na magkaroon ng mas mahusay na access sa healthcare ang mga Pinoy appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ika-134th Malasakit Center binuksan sa Talavera, Nueva Ecija; Bong Go, patuloy sa pagsusulong na magkaroon ng mas mahusay na access sa healthcare ang mga Pinoy Ika-134th Malasakit Center binuksan sa Talavera, Nueva Ecija; Bong Go, patuloy sa pagsusulong na magkaroon ng mas mahusay na access sa healthcare ang mga Pinoy Reviewed by misfitgympal on Agosto 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.