Facebook

Lalong lumakas si Yorme sa upak ng Digong

NAPAGANDA pa para kay Yorme (Manila Mayor Isko Moreno) ang mga upak, pang-iinsulto at panggigipit sa kanya ng “Diyos” ng mga “DDS”.

Oo! Kumakampi kay Yorme ang netizens pati ang mga politiko na dating nakabangayan niya ay nagpahayag ng simpatya sa bata at masigasig na ama ng Maynila.

Sa mga website ng mainstream media (radio, TV, print) na naglabas ng mga pahayag, sinabi ni Pangulong Rody “Digong” Duterte noong Lunes ng gabi laban sa isang local executive, na ang pinatutungkulan ay walang iba kundi si Yorme, wala akong mabasang reaksiyon na hindi pabor kay Isko. Sa halip ay puros brutal na reaksyon laban kay Digong.

Maging si Cavite Governor Junvic Remulla na minsang nakabangayan sa social media ni Yorme ay ipinagtanggol ang Manila mayor.

“What is important is that Yorme NEVER LIED, DID NOT STEAL, KILL nor did he ever brought shame to the great people of Manila as a Public Servant,” post ni Gov. Remulla sa social media. “Yorme did not break any laws by joining showbiz in his youth nor by posing sexy photos. Yorme should not be judged on such juvenile merits. Let his record of governance speak for itself.”

Ito ang reaksyon ni Gov. Remulla sa itsinismis ni Digong sa kanyang lingguhang ‘Talk to the People’ show Lunes ng gabi tungkol sa mga nakaraan ng dating basurerong naging matinee idol at naging mahusay na ama ng Maynila.

Nagsimula lang naman wakwakin ni Digong si Yorme nang malaman nitong may balak tumakbong presidente sa 2022 Elections ang “Batang Maynila” na nangunguna na sa mga survey sa presidentiables kahit hindi pa ito nag-dedeklara.

Noong una, puring puri si Digong kay Yorme: “Bilib ako sa kanya (Isko). Nanonood ako noong nagsasalita siya, mas mahusay siya kaysa sa akin, sa totoo lang. May nakita ako na mas mahusay ang resolve niya kaysa sa akin. Plus two ako sa kanya.”

Pero ngayon, sinasabi ni Digong na walang alam si Yorme sa pamamahagi ng ayuda, dis-organisado raw. Ang training daw ni Yorme ay pang-call boy. At gino-goole pa yata ni Digong ang old pictures ni Yorme noong nag-aartista ito, year 1990s. Puros naka-bikini daw ang picture nito. May picture pa raw na sinisilip ni Yorme ang kanyang ari. Nabakla yata si Digong kay Yorme eh? Hehehe…

Reak ng netizens, kung pinasok man noon ni Isko ang ganung buhay ay dahil sa kagustuhan nitong maka-survive sa hirap ng kanilang buhay, walang bahay, namumulot ng basura para may makain silang mag-ina at makapag-aral siya.

Success story si Isko. Saksi ako dyan dahil residente ko si Isko sa Tondo. May utang pa nga itong pisong kalamansi sa yumao kong tiyo Erning eh. Hehehe…

Sa pagsisikap ni Isko, heto siya ngayon… pinapalakpakan sa pagiging mahusay na alkalde ng kapital ng Pilipinas. First term niya palang ‘yan ha, tapos nasa panahon pa ng pandemya sa Covid-19.

Ito ang dahilan kaya lumalakas ang panawagan na pa-munuan niya na ang bansa sa 2022.

Maging si VP Leni Robredo ay bilib sa liderato ni Yorme. Gusto niya nga sanang mag-tandem sila.

Sina Senador Manny Pacquiao at dating Sen. Bongbong Marcos ay hangad ding maka-tandem si Isko sa 2022.

Sina VP Leni, Isko, Pacquiao at Marcos ay pasok sa top 5 presidentiables, base sa mga survey.

Magandang magsama sila para sure win!

The post Lalong lumakas si Yorme sa upak ng Digong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalong lumakas si Yorme sa upak ng Digong Lalong lumakas si Yorme sa upak ng Digong Reviewed by misfitgympal on Agosto 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.