NADAKIP na ang 3 pumatay sa mag-asawa na nagtago ng mahigit isang linggo sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Batay sa Quezon City Police District Station 14, isa sa mga salarin na si alyas Alex ang mastermind sa krimen, kapitbahay rin ng mga biktimang sina Leo Gupit at misis niyang si Lyn. May tindahan sa Luzon Avenue ang mga biktima.
Ayon kay Police Major Jun Fortunato, deputy station commander ng QCPD Station 14, Agosto 2 nang mangyari ang krimen.
Nakaupo ang mga biktima sa kanilang sidecar nang lumapit ang tricycle na sakay ang mga salarin. Nagsilbing lookout si Alex habang pinagbabaril ng kaniyang mga kasamahan ang mag-asawa.
Dead on the spot ang mag-asawa, at tinangay ng mga salarin ang bag ng mga biktima na may lamang P100,000 cash.
Away sa parking sa pagitan ng mga biktima at ni Alex ang isa sa itinuturong motibo sa krimen.
Sa Barangay Holy Spirit natunton ng mga pulis ang tatlong salarin nitong Martes nang mahagip sa CCTV ng barangay ang body number ng tricycle na ginamit nila sa krimen. Pinaghahanap pa ng pulisya ang isa pang kasamahan ng mga ito.
Aminado ang dalawa sa mga kasabwat ni Alex na binaril nila ang mga biktima,.
Nakuha sa mga salarin ang isang kalibre .45 baril, isang kalibre .38 baril, at 3 granada.
Mahaharap sa kasong double murder at illegal possession of firearms and ammunition ang mga naaresto.
The post 3 killers ng mag-asawa timbog sa QC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: