NASAWI ang mag-asawang dayuhan sa sunog sa Quenies Love Village Barangay City Heights, General Santos city.
Kinilala ang mga biktima na sina Jonathan Steffy at Roberta Steffy, kapwa American national at misyonaryo sa isang religious group.
Ayon kay SFO1 Felimar Acob, arson investigator ng BFP-GenSan, nangyari ang sunog 4:00 ng madaling araw.
Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, nakita na lamang nila ang paglaki ng apoy sa may bahagi ng sala ng bahay ng mag-asawa.
Pinaniniwalaang na-trap ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa kasagsagan ng sunog.
Inihayag ni SFO1 Acub na tinatayang P100,000 ang danyos sa pagkasunog ng bahay.
The post Mag-asawang dayuhan nalitson ng buhay appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Mag-asawang dayuhan nalitson ng buhay
Reviewed by misfitgympal
on
Agosto 09, 2021
Rating:
Walang komento: