Facebook

5 mangingisda nasagip sa tumaob na bangka

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda nang tumaob ang kaanilang sinasakyang banca sa karagatang sakop ng San Antonio, Zambales.

Kinilala ang mga mangingisda na sina Rodrigo Monotoc, 49 anyos; Pedro Moran, 46; Armado Dalut, 41; Romeo Martinez, 37; RJ Martinez, 22; mga residente ng Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

Ayon sa PCG, sakay ng F/BCA BROTHERS 8 ang mga mangingisda na natagpuan ng search and rescue team sa bahagi na ng Capones Island sa Barangay Pundaquit, San Antonio sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) ng kanilang cellphone nang tangayin sila ng alon.

Batay sa kanilang pahayag, naglalayag ang mga mangingisda malapit sa Silanguin Cove sa Barangay Pundaquit nang salubungin sila ng malakas na hangin at malalaking alon dahilan para tumaob ang kanilang banca.

Dinala sa Subic Public Order and Safety Office (SPOSO) ang mga mangingisda para sa medical check-up. (Jocelyn Domenden)

The post 5 mangingisda nasagip sa tumaob na bangka appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5 mangingisda nasagip sa tumaob na bangka 5 mangingisda nasagip sa tumaob na bangka Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.