ARAW-ARAW ay may mga banat si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa katiwalian ng pamahalaan, ng admi-nistrasyong Duterte.
Ang dami pala niyang alam, bakit ngayon lang siya nagsasalita?
Bakit noong nagkaroon ng mga imbestigasyon ang Kongreso tungkol sa mga katiwalian sa gobierno ay tahimik siya, minsan ay ipinagtatanggol pa niya.
Oo! Noong nasa Senado pa si ex-Senator Antonio Trillanes, andami nitong ibinunyag na mga katiwalian sa pa-mahalaan pati sa pamilya ni Pangulong Rody “Digong” Duterte at sa mga taong nakapaligid sa Punong Ehekutibo. Nasaan si Ping noon? Nasa tabi lang, no talk, nakatulala, kung magsalita man tila pabor pa sa administrasyon.
18 years nang Senador si Ping. Isa na siyang beteranong mambabatas ika nga. Talagang kabisado na niya ang mga kalokohan sa mga ahensiya ng gobierno. Kaya lang ‘pag nagsalita ay laging hilaw, malabnaw, nag-aalangan. Hindi tulad ni Trillanes na consistent kung mag-expose, warrior, tunay na dugong sundalo, kasi nga walang itina-tago.
Kaya itong mga expose ngayon ni Ping obviously ay ginagawa niya lang para makakuha ng simpatya para sa kanyang ambisyong pagtakbong pangulo sa 2022. Malabong kagatin ito ng nakararami. Too late to hero…
Sumubok na noong 2010 Presidential election si Ping, kulelat siya. Kaya malabo pa sa sabaw ng pusit na mangibabaw ito sa kanyang muling pagtakbong presidente ng bansa. Makabubuti siguro sa kanya ay mag-local nalang muna o magpahinga na sa politika, magbigay naman sa mga bata. Mismo!
May isa pang hindi magandang ugali itong si Ping. Remember ex-convict President Joseph “Erap” Estrada?
Si Erap ang nag-akyat kay Ping para maging Chief PNP nang maging Presidente ang una noong 1998. Mantakin mo mula sa Kernel ay ginawa siyang 4-star General ni Erap sa loob lamang ng halos 2 taon. Pero sa kabila nito, kina-laban ni Ping si Erap, in-expose ang “baho” ni Erap nang kalabanin sa presidential derby noong 2010. Tarantado nga. He he he…
Tapos ngayon, sa kanyang pagtakbong muli sa pagka-pangulo, ni-reject ni Ping ang alok ni Vice President Leni Robredo na “magkaisa” ang oposisyon para sa isang presidential bet laban sa administration candidate.
Gusto ni Ping mag-file nalang sila lahat (opposition presidentiables) ng Certificate of Candidacy (CoC) at mag-withdraw nalang kung mahina sa survey. Ngek! Maling mali ito, ‘di ba mga suki? Mantakin mo paaasahin mo ang iyong mga supporter tapos biglang iiwan sa ere kung mababa ka sa survey. Isa itong kabaklaan!!!
Kaya tama ang ginawa ni VP Leni na i-reject din ang alok ni Ping na “unification plan” dahil lalo lamang siyang masisira kapag pumayag siya sa malabnaw na ideya ng Senador.
Anyway, sa mga nakaraang survey, wala sa top 5 presidentiables 2022 si Ping, out of the race siya. Mabuti pa nga si Leni ay may mataas na numero at nangunguna pa sa online surveys.
Sabi ng sikat na political analyst na si Ramon Casiple, huwag gawing batayan ang mga survey sa mga kandidato. Dahil kung ito’ paniniwalaan mo, ‘e di ‘wag na tayong mag-eleksyon, idaan nalang sa survey ang pagpili ng mga mamumuno. Mismo!
So far, ang mga pinag-uusapan sa surveys ay sina Sara Duterte-Carpio, VP Leni, Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at ex-Sen. Bongbong Marcos. Out si Ping!
The post Dami palang alam ni Ping sa katiwalian… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: