NAGSASAGAWA na ng pre-charge investigation ang Provincial Internal Affairs Service sa pagkakasangkot ng isang pulis sa pagkamatay ng isang magsasaka sa Buenavista, Marinduque.
Sa ulat, binaril ni Corporal Jay Anthony Custodio ang biktimang si Alberto delos Reyes sa isang anti-illegal logging operation noong July 13.
Sinabi ng pamilya na nasaksihan ng 10-taon gulang na anak ng biktima ang pagbaril sa kanyang ama.
Maliban sa kasong murder, nahaharap din sa kasong administratibo si Custodio at ang dating officer-in-charge ng Buenavista Municipal Police Station na si Lt. Marson Lontoc.
Giit ni Custodio, self-defense ang kaniyang ginawa. Wala aniya siyang intensyon na patayin si Delos Reyes at nais lamang niyang mahinto ang pag-atake ng biktima ng bolo.
Sa ngayon, inalis sa pwesto at na-reassign si Custodio sa Marinduque Provincial Police Office, sa ilalim ng restrictive custody, habang hinihintay ang imbestigasyon sa insidente.
The post Magsasaka tinodas ng pulis appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: