Facebook

Driver ng van nakatulog, sumalpok sa pader; pahinante patay

NASAWI ang isang pahinante at sugatan ang isa pa nang sumalpok sa pader ang sinasakyang van nang makatulog sa biyahe ang driver nito sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Bucalbucalan, West District, Sorsogon.

Kinilala ang nasawi na si Paolo Orlanda Talagtag, 25 anyos; at sugatan si Allan Latonio Baracina, 19, kapwa helper at residente ng Brgy. San Isidro, Pili, Camarines Sur; habang ang driver ay nakilalang si Bebot Evedor Pasibe, 34, ng Brgy Catagbacan, Goa, Camarines Sur.

Sa ulat, biyaheng Bulan ang van galing sa Camarines Sur nang bumangga ito 5:30 ng umaga ng Martes sa pader ng bahay na ni Ginang Nelly Jintalan.

Nagawa pang isugod ng rescuer ng CDRRMO sa ospital ang mga sugatan subali’t ‘dead on arrival’ si Talagtag, at nagtamo naman ng minor injuries si Baracina.

Ayon sa report, nakatulog ang driver. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.

The post Driver ng van nakatulog, sumalpok sa pader; pahinante patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Driver ng van nakatulog, sumalpok sa pader; pahinante patay Driver ng van nakatulog, sumalpok sa pader; pahinante patay Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.