Facebook

DAR Sec. pinalagan ang pahayag ng KMP

INALMAHAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec.John Castriciones ang pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na ang programa ng DAR na DAR-to-DOOR ay isang maagang pangangampanya at isang electoral sortie ng sekretaryo na pinondohan umano ng pondo bayan na nakalaan para sa mga magsasaka.

Nabatid sa press release sinabi ni Sec. Castriciones na kahit bago pa man maganap ang pandemya na agresibo na silang nagpatupad na programa na agrayang reform na direktiba ni Pangulong Duterte ang agarang pamamahagi ng agricultural land na kinapapalooban ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga magsasaka.

Kaugnay nito pinabulaanan din ng kalihim ng DAR ang pahayag ng KMP na nabigo ang programa nitong CARP at sinabing sa ilalim ng kanyang pamumuno nakapagtala ang DAR ng mas mataas na pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award ( CLOAs) (Titulo ng Lupa) sa kasaysayan ng pagpapatupad ng CARP sa mga sumusunod na lalawigan gaya ng General Santos City, SOCCSKARGEN nitong June 13, 2019 na may 12,548 CLOAs na kinabibilangan ng 24,000 hectares of agricultural land ang naipamahagi sa may 13,585 agrarian reform beneficiaries (ARBs), at Kidapawan City, North Cotabato nitong December 29, 2018 na may 6000 CLOAs na kinabibilangan ng 11,334 hectares of agricultural land ang naipamahagi sa may 6,424 ARBs.

Sinabi pa ni Castriciones na ang pahayag ng KMP chairperson na si Danilo Ramos ay isang malisyoso umano at walang basehan na ang lahat ng isinasagawang programa at serbisyo publiko ng kalihim ng DAR ay isang maagang pangangampanya “early campaign sorties” lamang at sinabing ginagawa lamang nito ang kanyang mandato para ipatupad ang pamamahagi ng CARP bago pa man siya maging potensyal na kandidato ng PDP-LABAN bilang kandidato sa Senatorial slate ng naturang partido.

Ayon pa kay Castriciones napagkakamalian lamang ni Ramos at hindi naiintindihan ang punto ng programa na DAR-to-DOOR lalo na ngayong panahon ng pandemya sinabi nito na ang mahalaga ay nararamdaman ng mga magsasaka sa buong bansa ang papel na pinapakain nito ang buong bansa sa kanilang ginagawang pagtatanim.

Tinuran pa ng Kalihim na ang DAR-to-DOOR ay upang dalhin at ilapit ng DAR ang gobyerno sa mga tao lalo na sa mga magsasaka na matagal na panahon ng biktima ng social injustice.

Samantala kaugnay nito sa panig naman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sinabi ng KMP hinamon nito si DAR Secretary Castriciones kung sinsero umano talaga ang Sektrataryo sa kanyang layunin para sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka ay dapat tanggalin ng Kalihim ang mga kanyang mga mukha, pangalan, at tarpaulin na nakalagay sa kanyang seremonyal na pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOA)

Ayon pa sa KMP kung sinsero talaga si Sec. Castriciones sa kanyang programa na DAR-to-DOOR na hindi isang political gimmick dapat nyang tanggalin ang mga inilagay nyang tarpaulin at ang kanyang mga pangalan dahil ito umano ay galling sa pera ng taong bayan na ibinayad sap era ng taxpayers.(Boy Celario)

The post DAR Sec. pinalagan ang pahayag ng KMP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAR Sec. pinalagan ang pahayag ng KMP DAR Sec. pinalagan ang pahayag ng KMP Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.