Facebook

Lucrative business ang antigen test sa Covid-19

MARAMI akong natatanggap na reklamo hinggil dito sa Antigen test para sa Covid19.

Ang pang-covid test na ito ay nire-require ngayon sa mga bumibiyahe sa mga probinsiya, maging sa pagtawid sa ibang bayan, lalo kung galing ng Metro Manila.

Nagkakahalaga ito ng P1,000 hanggang P1,500. Very lucrative business ito ngayon. Kung sino man ang nakadiskubre nito, tiyak instant billionaire!!!

Ang masaklap dito sa Antigen test kahit ordinaryong sipon, ubo o anumang hindi magandang nararamdaman sa katawan na madalas naman talaga nating nararamdaman lalo kapag pagod sa trabaho, inabutan ng ulan sa gitna ng init ng araw ay nagpopositibo. Dahil positive ka, isasailalim ka naman sa swab test. At quarantine ka ng 14 days habang hinihintay ang swab test result.

Pero kahit negative ka sa swab, kailangan paring ituloy ang 2 weeks quarantine mo. Ito ang nangyayari ngayon sa mga probinsiya, kahit sa liblib na lugar, lalo kung incompetent ang mga namumuno rito.

Umaaray ang mga taga-bukid na gustong pumunta ng ibang bayan para magbenta ng kanilang produkto pambili ng bigas at ulam dahil kailangan muna nilang sumailalim sa Antigen test. Eh saan naman kukuha ng P1,000 plus bayad sa lintek na virus tester na ito ang isang magbubukid na umaasa lang ng kita sa pagbebenta ng kamote at mga gulay? Yawa!

Dahil mostly ng mga sumasailalim sa Antigen test ay nagpopostibo, minamabuti nalang ng mga nagkakasakit na huwag nang pumunta sa center. Tinitiis nalang nila ang kanilang nararamdaman hanggang sa lumala at pumanaw sa mundong ibabaw. Rest in peace…

***

Duda ako na ang medical frontliners na naunang naturukan ng bakuna laban sa Covid-19 ang silang dahilan ng pagkalat ng virus sa mga probinsiyang dating zero sa Covid-19 case.

Noon kasing hindi pa nababakunahan ang medical frontliners, mga may karamdaman at A2 ay walang Covid case sa mga liblib na bayan at mga barangay.

Pero nang maturukan ng bakuna ang frontliners ay biglang nagkaroon ng Covid cases kahit walang anumang travel history ‘yung tao, kahit doon lang ito sa kanilang liblib na barangay.

Ang bakuna kasi ay gawa mula sa virus. Itinuturok ito sa tao para magkaroon ng immunity sa naturang virus. Ibig sabihin kapag naturukan ka nito, mayroon ka nang virus sa katawan. Tama? Pero hindi ito sinasabi ng mga vaccine expert, na maaring makahawa ang virus na itinurok sayo. You know…

***

Sabi ng Department of Health, 98 percent ng naitalang Covid-19 cases sa bansa ay walang sintomas, hindi severe. Kung ganun, bakit isinasama sa Covid-19 cases ang walang sintomas? Mali, di ba?

Ang Covid-19 ay SARS COV o Severse Acute Respiratory Syndrome Coronavirus.

Ibig sabihin, kung wala namang sintomas at hindi severe ay hindi dapat isinasama sa Covid-19 cases. Right?

Kaya tama sina Dr. Fidel Fernandez at Dr. Jose Oclarit na hindi dapat bininilang na Covid-19 case ang mga hindi naman severe o malala.

Sa aming probinsiya (Romblon) lamang, halos lahat ng sina-sabing kaso ng Covid-19 ay hindi severe, nagpositibo lang sa Antigen o Swab tests dahil may ibang karamdaman naman talaga. Tuloy hindi malaman ng mga mamamayan ang gagawin. Napaka-incompetent kasi ng mga opisyal. Ewan!

The post Lucrative business ang antigen test sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lucrative business ang antigen test sa Covid-19 Lucrative business ang antigen test sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Agosto 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.