Facebook

Miracle baby’: Sanggol nailigtas nang pumanaw ang inang natuklaw ng ahas

NAILIGTAS ang isang sanggol nang mamatay ang ina na natuklaw ng ahas sa Diffun, Quirino.

Sa ulat, 8:30 ng umaga nitong Miyerkules nang dalhin sa Diffun District Hospital ang isang buntis na walang malay at nangangasul na ang balat, pero idineklara itong dead on arrival.

Nagdesisyon ang hepe ng ospital na si Dr. Moises Lazaro na agad magsagawa ng post-mortem caesarean upang mailigtas ang sanggol na nasa sinapupunan pa ng nanay.

“A pregnant mother who was bitten by a venomous snake was rushly brought to the hospital today, August 4, 2021 at about 8:30 am, with no signs of life and cyanotic, hence, declared Dead on Arrival (DOA),” sinabi ng ospital sa isang Facebook post.

“On his assessment, Dr. Moises V. Lazaro, the Chief of Hospital opted for immediate post-mortem cesarean wherein the baby was about to die. At last, the baby was successfully revived,” dagdag ng ospital.

Binibigyan na ng newborn care at ngayon nasa neonatal intensive care unit ng Quirino Province Medical Center na ang sanggol.

The post Miracle baby’: Sanggol nailigtas nang pumanaw ang inang natuklaw ng ahas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Miracle baby’: Sanggol nailigtas nang pumanaw ang inang natuklaw ng ahas Miracle baby’: Sanggol nailigtas nang pumanaw ang inang natuklaw ng ahas Reviewed by misfitgympal on Agosto 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.