Facebook

NPA kumander persona non-grata sa Mt. Province

Mountain Province – Mariing kinondena ng mga residente ng Dalican, Bontoc, Mt. Province ang rebeldeng New Peoples Army (NPA) na pinamumunuan ni Kumander Simon Naogsa.

Dahil dito, iwinaksi ng mga residente ang idelohiyang ninanais na ipalaganap ng NPA sa lugar kaya dineklara nilang “persona non grata” ang mga rebelde.

Sa nakuhang impormasyon mula sa pamunuan ng 5th Infantry (Star) Division ng Philippine Army na nakabase sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela, isang barangay resolution ang ipinasa na naghahayag na hindi na pinapayagan ang teroristang grupo at si Naogsan sa nasabing barangay dahil sa umano’y ginagawa nilang pananakot at panggugulo sa mga residente.

Ayon pa sa mga pahayag ng mga naninirahan sa naturang barangay, sinusubukan ng rebeldeng pangkat na palitan ng komunismo at rebolusyonaryong gobyerno ang uri ng pamamahala sa kanilang lugar.

Ang pagdedeklara ng persona non-grata laban sa CPP-NPA ay para sa kinabukasan ng lahat lalo na ng mga kabataan sa nasabing lugar.

The post NPA kumander persona non-grata sa Mt. Province appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NPA kumander persona non-grata sa Mt. Province NPA kumander persona non-grata sa Mt. Province Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.