NALAMBAT ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency- National Capital Region (PDEA-NCR) at Manila Police District (MPD) ang pitong indibidwal nang kumagat sa buy-bust operation sa lungsod ng Maynila nitong Miyerkules.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga nadakip na sina Manolito Lodronio Reyes alyas Bakal, 41 anyos, drug den maintener at siyang target ng operasyon; Narissa Dela Pena Reyes, 31, waitress; Ramon Lodronio Ferrer Jr., 40, construction worker; Hesus Mando Lodronio Reyes, 35, tricycle driver, kapwa residente ng Paz Street, Brgy. 684, Paco, Manila; Mario Lodronio Reyes, 34, construction worker, ng Pasig City; Eduardo Diaz Almiral, 50, construction worker, ng Malate, Manila; at Romeo Sunga Dela Cruz, 32, nakatira sa Pandacan, Manila.
Sa ulat, 2:15 ng hapon nang ikasa ang drug operation sa Paz St., Barangay 684, Paco.
Nakuha sa mga nadakip ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000, iba’t ibang klase ng drug parephernalias, 3 cellular phone at ang ginamit na buy-bust money.
The post 7 ‘durugista’ tiklo sa drug den sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: