Facebook

NPA nagtago ng 2 dekada, inginuso

Arestado ang isang miyembro ng New People’s Army makaraang ituro ng isang civilian asset ang eksaktong kinaroroonan nito sa Alabang, Muntinlupa City.

Kinilala ang akusado na si Nilo Encinares Enconado, 48 anyos, may asawa, laborer, ng Barangay Sangat, Gubat, Sorsogon.

Sa ulat, miyembro si Enconado ng Larangan 1, Komiteng Seksyun sa Platun (KSPN) 3 at itinuturing din na No. 1 most wanted person ng Gubat Police.

Ayon sa hepe ng Gubat Police na si Major Jose Arnel Geronga, nagtago si Enconado matapos ang krimeng nagawa noong 2001 hanggang sa matiyempuhan ito ng isang civilian asset at naituro ang pinagtataguan sa Esporlas Cpd, Brgy. Putatan Alabang. Sa halos dalawang dekada na pagtatago nito sa batas ay nakapagtrabaho ito bilang isang laborer sa nasabing lugar.

Nahaharap si Enconado sa kasong murder at 3 counts frustrated murder.

Ang pag-aresto ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 52 at Br 54 na walang itinakdang piyansa.

The post NPA nagtago ng 2 dekada, inginuso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NPA nagtago ng 2 dekada, inginuso NPA nagtago ng 2 dekada, inginuso Reviewed by misfitgympal on Agosto 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.