Facebook

P3.783B AYUDA SA ECQ AREAS LABAN SA COVID-19, GUTOM

PINURI at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-apruba sa dagdag na P3.783 bilyong ayuda sa local government units ng National Capital Region, Laguna at Bataan na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) upang magamit laban sa COVID-19 at kagutuman.

“Malaki ang pasasalamat ko kay Pangulong Duterte sa pag-apruba ng dagdag na tulong pinansyal para sa mga apektadong Pilipino sa LGUs na nasa ECQ ngayon,” ayon kay Go.

“Kaya bilisan agad dapat ang pag-distribute. Kailangan ito ng mga mahihirap. Nagmamadali tayo dito. Habulan ito — laban kontra COVID-19 at laban sa kagutuman,” idinagdag ni Go.

Sinabi ni Go na dapat lamang talaga na nagkakaloob ang gobyerno ng kinakailangang panlipunang proteksyon sa low-income families para malaban ang masamang epekto COVID-19 global health crisis.

“Habang nilalabanan natin ang COVID-19, tulungan rin natin ang ating mga kababayan na labanan ang hirap at gutom. Siguraduhin nating walang maiiwan sa ating muling pagbangon,” anang senador.

Matatandaan na muling inilagay ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang National Capital Region sa mas mahigpit na enhanced community quarantine simula August 6 hanggang August 20. Inilagay rin ang Laguna at Bataan sa kaparehas na ECQ status simula August 6-15 at August 8-22, ayon sa pagkakasunod.

“Hindi natin pababayaan ang mga pinakamahirap na nangangailangan ng pantawid habang naka-ECQ sa lugar nila. Sila naman ang apektado dito, ang mga ‘isang kahig, isang tuka’, na talagang walang matakbuhan. Ito ang mga umaasa pong lumabas at magtrabaho araw-araw, sila po ang pinakaapektado dito,” ayon kay Go.

Matapos aprubahan ng Pangulo, agad maglalaan ang Department of Budget and Management ng Local Government Support Fund sa LGUs na nagkakahalagang P2.23 billion at P1.55 billion mula sa excess revenue na sertipido ng Bureau of Treasury at ito’y ilalabas sa pamamagitan ng Unprogrammed Appropriations.

Direktang ibibigay ang pondo sa concerned LGUs na siyang magiging in-charge sa disribusyon ng ayuda sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Katulad ng naunang ayuda na ibinigay sa LGUs matapos ang apela ni Go, ang mga lokal na pamahalaan ay kinakailanga magsumite ng kanilang Fund Utilization Reports.

Maaalalang unang umapela si Go sa national government na bigyan ng financial assistance ang low-income households sa NCR na binubuo ng 80% ng population.

Inaprubahan ni President Duterte ang rekomendasyon ng DBM at National Economic and Development Authority na pagkalooban ng P10.894 billion ang mga apektadong indibidswal sa Metro Manila.

“Binabalanse natin ang lahat lalo na ang pagprotekta sa kalusugan at pag-ahon ng ekonomiya. Palagi nating inuuna ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino upang masigurong walang maiiwan tungo sa ating muling pagbangon bilang isang mas matatag na bansa,” ani Go.

“Dahil direktang ida-download ang mga pondo sa mga LGUs sa NCR, Laguna at Bataan, ang apela ko naman sa mga lokal na pamunuan ay siguraduhing maibibigay kaagad ang ayuda sa mga tamang benepisyaryo sa isang maayos, mabilis at ligtas na paraan na walang katiwalian,” giit ng senador.

“Huwag nating hayaang may mapapabayaan dito. Importante habang tuloy-tuloy ang pagbabakuna ay ‘wag tayo magpaka-kumpiyansa. Ulitin ko, ‘wag nating sayangin ang momentum ngayon ng ongoing vaccine rollout at sa pagbalanse ng kalusugan at ekonomiya,” aniya pa.

The post P3.783B AYUDA SA ECQ AREAS LABAN SA COVID-19, GUTOM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P3.783B AYUDA SA ECQ AREAS LABAN SA COVID-19, GUTOM P3.783B AYUDA SA ECQ AREAS LABAN SA COVID-19, GUTOM Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.