Facebook

PARALYMPIANS MAY DAGDAG NA TRAVEL ALLOWANCE MULA SA PSC

LILIPAD patungong Japan ang anim na para athletes para sumabak sa Tokyo Paralympic Games.

Inanunsyo ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez kahapon na bawat isa sa para athletes, coaches, at kasamang opisyal ay tatanggap ng P100,000 dagdag allowance,na umabot sa P150.000 ang kanilang kabuuang allowance para sa August 24 to September 5 Games.

Ibinalita ni PSC Chairman William Ramirez ang surpresa ng ahensiya sa sarili nitong social media program na People Sports Conversations kung saan sumentro ang Paralympians.

Ayon kay Ramirez, inaprubahan ng PSC board ang nasabing allowance via referendum.

Dinagdagan din ng ahensiya ang travel allowance ng regular athletes dahil sa umano’y mataas na presyo ng pamumuhay sa Japan, base na rin sa obserbasyon ni Ramirez na pumunta sa Tokyo kasama ng delegasyon.

Sinabihan ni Ramirez ang anim na Paralympians na: “just enjoy your game.” habang nasa Tokyo”.

Base sa kanyang karanasan bilang basketball coach, sinabi ni Ramirez na kapag nag-eenjoy ka mas maganda ang pulso mo.

Inabisuhan din ni PSC chief ang Chef de Mission Francis Diaz na isama ang kanyang colleagues sa University of the Philippines para mabigyan ng Psychology mentoring at coaching ang Paralympians.

“We will support you on their honoraria and allowance. Our athletes will benefit from a stronger Psychology support,” ani Ramirez.

Nagpasalamat naman ang anim na athleta sa PSC chief at sa sports agency at sinabing ramdam nila ang pagmamahal at pag-aalaga ng sports agency sa kanila.

Nangako rin ang paralympians na ibubuhos nila ang lahat para maka-akyat sa podium.

The post PARALYMPIANS MAY DAGDAG NA TRAVEL ALLOWANCE MULA SA PSC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PARALYMPIANS MAY DAGDAG NA TRAVEL ALLOWANCE MULA SA PSC PARALYMPIANS MAY DAGDAG NA TRAVEL ALLOWANCE MULA SA PSC Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.