Facebook

Pekeng doktor huli sa Q.C.

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpapangagap na doktor sa Quezon City.

Kinilala ang dinakip na si Hazel G. Pablo alyas “Dr. Hazel Pablo Laniog”.

Ayon sa NBI, nag-ugat ang reklamo kay Pablo sa pag-gamit nito ng pangalan, pirma at license number ng isang lehitimong medical practitioner sa mga prescription ng post-procedure sa kaniyang nagiging kliyente at nagpapakilalang Aesthetic Medicine Doctor.

Ikinasa ang entrapment operation ng mga tauhan ng NBI at naaktuhan si Pablo na nagsasagawa pa ng panggagamot at naniningil ng P50,000.

Sasampahan ng kasong illegal practice of medicine at estafa si Pablo.

The post Pekeng doktor huli sa Q.C. appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng doktor huli sa Q.C. Pekeng doktor huli sa Q.C. Reviewed by misfitgympal on Agosto 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.