Facebook

PULIS TIMBOG SA ‘KIKIL’ SA DRUG SUSPECTS!

TIMBOG sa mga elememto ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) ang isang pulis dahil sa pangongotong sa mga nahuhuling drug personalities sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City.

Kinilala ang inaresto na si Cpl Alexis Garcia, imbestigador ng Station Drug Enforcement Team ng Zamboanga City Police Station 11.

Ayon kay Brigadier General Fynn E. Dongbo, direktor ng PNP IMEG, 3:30 ng hapon nang magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib na mga elemento ng IMEG Mindanao Field Unit, CIDG-9 at Regional Mobile Force Battalion-9 sa Mayor Climaco Avenue, Zamboanga City.

Sinabi ni Dongbo na marami silang natatanggap na reklamo laban kay Cpl. Garcia hinggil sa pangongotong niya sa pamilya ng mga nadadakip na kanyang hawak na kaso sa pangakong makakalaya o hindi ito maililipat sa Zamboanga City Jail.

Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ng kapatid ng isang drug suspect sa paghingi ng P120,000.00 sa pangakong hindi maililipat ang kanya kapatid sa Zamboanga City Jail.

Narekober ng mga operatiba kay Cpl. Garcia ang P1,000.00 marked money; bundle ng boodle money na nakalagay sa puting envelope; 1 unit ng HUAWEI cell phone; Glock 17 pistol; 2 magazines na may 22 bala; PNP ID; driver’s license; at firearms license card.

Nasa kustodiya ng CIDG RFU9 sa Zamboanga City si Cpl. Garcia na mahaharap sa kasong kasong criminal at administrative.

Nanawagan naman si Gen. Dongbo sa publiko na i-report ang mga pulis na sangkot sa mga iregularidad sa PNP IMEG Hotline: SMART-09989702286 GLOBE- 09957952569. O Facebook Page: Integrity Monitoring and Enforcement Group at Twitter account: @imeg2017.(Mark Obleada)

The post PULIS TIMBOG SA ‘KIKIL’ SA DRUG SUSPECTS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PULIS TIMBOG SA ‘KIKIL’ SA DRUG SUSPECTS! PULIS TIMBOG SA ‘KIKIL’ SA DRUG SUSPECTS! Reviewed by misfitgympal on Agosto 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.