Facebook

SUNDALO BRUTAL NA PINATAY NG NPA!

ROXAS CITY – Kinundena ng Philippine Army ang brutal na pagpatay ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa isang miyembro ng Community Support Program Sustainment team ng militar na nakabase sa Barangay Lahug, Tapaz, Capiz.

Ayon kay Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3ID Philippine Army, itinali ang dalawang kamay ni Corporal Frederick ‘’Lec-Lec’’ Villasis, 33 anyos, ng Barangay Jaena Norte, Jamindan, Capiz at patalikod na binaril ng mga kasapi ng Central Front Kilusang Rehiyon-Panay

Maliwanag, ayon kay Pancito, na summary executed ang biktima at walang awang pinatay na isang paglabag sa international humanitarian law.

Nabatid na napapunta sa munisipyo ng Tapaz ang biktima sakay sa motorsiklo si Kagawad Analyn Giganto ng Barangay Lahug para mag-follow up ng ilang proyekto ng barangay.

Kasama rin nila ang dalawa pang motorsiklo na lulan ang punong barangay at CAFGU members.

Ngunit bigla silang tinambangan ng mga NPA, tinali ang mga kamay ni Villasis at patalikod na binaril.

Hindi pa nakuntento ang mga komunistang terorista, sinunog pa nila ang motorsiklo at tinangay sa kanilang pagtakas ang baril ni Villasis.

Iniwan ni Villasis ang dalawang menor de edad na anak at asawang si Shella.
Tinutugis na ng militar ang pulisya ang mga rebelde.

The post SUNDALO BRUTAL NA PINATAY NG NPA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SUNDALO BRUTAL NA PINATAY NG NPA! SUNDALO BRUTAL NA PINATAY NG NPA! Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.