Facebook

Killer na Pulis-Maynila, at tulak na Mandaluyong cop pinasisibak agad

PINASISIBAK sa serbisyo ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar, ang pulis Maynila na sangkot sa pagpatay sa isang negosyante at isang pulis na supplier ng droga sa Mandaluyong City.

Inatasan rin ni Eleazar si Major Gen. Albert Ignatius Ferro, director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), na palitan ang lahat ng personnel ng CIDG Quezon City Field Unit na sangkot sa pangongotong ng P3 million kapalit ng pagpapalaya sa inarestong negosyante.

Pinadidis-armahan at pinasasailalaim sa restrictive custody ang mga nasabing pulis habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Kinilala ang pinasisibak sa serbisyo na si SMS Bernardo Oriol Jr., nakatalaga sa Manila Police District (MPD); at SSG Manuel Bien, nakatalaga sa Police Security Protection Group.

Ayon kay Eleazar, si Oriol ang pangunahin suspek sa pagpatay sa negosyante si Naiquian Yuan na pinagbabaril ng riding in tandem sa Malate, Manila noong Aug. 2, 2021.

Si Oriol at kasabwat nito na si Shi Shanbang ay naaresto ng mga otoridad sa Binondo, Manila nitong Aug. 6.

Sa imbestigashon ng MPD, tumutugma ang suot na damit ni Oriol sa suot ng isa sa mga salarin gayundin ang description ng motorsiklo nito gamit sa pag-ambush sa biktima.

Samantala, si Bien ang supplier ng droga ng naarestong tulak na si Alfie Gomez. Naaresto sina Bien at Gomez sa buy bust operations nitong Aug 9.

Pinatutukan at pinamamadali ni Eleazar sa Internal Affairs Office ang pagsasagawa ng summary dismisal proceeding laban sa dalawang nasabing mga pulis.

“Kasabay ng administrative case, sisiguraduhin nating mahaharap sa kasong kriminal ang mga ito. Hindi mag-aatubili ang PNP na alisin sa hanay ang mga sumisira sa tiwala at kumpiyansa ng ating mga kababayan sa kapulisan,” ani Eleazar. (Mark Obleada/Koi Laura)

The post Killer na Pulis-Maynila, at tulak na Mandaluyong cop pinasisibak agad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Killer na Pulis-Maynila, at tulak na Mandaluyong cop pinasisibak agad Killer na Pulis-Maynila, at tulak na Mandaluyong cop pinasisibak agad Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.