Facebook

Bangko solong nilooban ng ayaw pumila sa ayuda

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki nang tangkain pagnakawan ang isang branch ng bangko sa Caloocan City.

Kinilala ang nadakip na si Mark Joseph Llomeda ng Barangay 73.

Ayon sa ulat, tumunog ang alarma ng bangko sa kanto ng 10th Avenue at Rizal Avenue na konektado sa estasyon ng pulis, dahilan upang maalerto ang mga awtoridad.

Pinasok ng mga pulis ang establisyimento sa tulong ng mga kinatawan ng bangko at ng mga security agency at nahuli si Llomeda na nagtatago sa kisame.

Dinatnan ng mga pulis na basag ang bintana sa ikalawang palapag ng bangko kungsaan dumaan ang magnanakaw.

Matapos maghalughog, tanging bluetooth speaker lamang ang nakulimbat ng kawatan.

Sinabi ni Llomeda na kaya niya nilooban ang nasabing establisyemento dahil siguradong sa bangko ay maraming pera at ayaw niyang pumila para makakuha ng ayuda.

The post Bangko solong nilooban ng ayaw pumila sa ayuda appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bangko solong nilooban ng ayaw pumila sa ayuda Bangko solong nilooban ng ayaw pumila sa ayuda Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.