Facebook

Doktorang buntis nasawi sa Covid-19

KAHIT buntis at may pandemic, patuloy na ginampanan ng isang doktora ang kaniyang sinumpaang tungkulin na tumulong at magpaanak ng mga pasyente. Pero sa kasamaang-palad, dinapuan siya ng Covid-19 na naging dahilan ng kaniyang pagpanaw, pati ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Sa ulat, 31 linggo na ang ipinagbubuntis ng namayapang si Dra. Dr. Anne Mimay-Magkasi, OB-GYN.

Hulyo 28 nang magpositibo ang doktora sa Covid-19 sa isang ospital sa Pampanga. Pero pagsapit ng Agosto 1, sumakabilang buhay ito pati ang supling sa kaniyang sinapupunan.

Ayon kay Dr. Donald Reluya, hindi nabakuhan ng Covid-19 vaccine ang kaibigan niyang si Magkasi dahil sa buntis ito.

“Ganoon talaga kasi siya sakripisyo sa pagtatrabaho niya. Masakit bilang kaibigan kasi hindi mo ine-expect. Mas bata pa siya sa akin tapos mas bata siya sa aming mga kasamahan,” sabi ni Reluya.

“Ang lakas-lakas niya tapos bigla nalang pupunta sa ospital tapos ganon kalala ‘yung nararamdaman niya,” patuloy niya.

Samantala, isang buwan naman na naratay sa ospital si Dra. Christine Macaraeg, dahil din sa Covid-19, at nalagay pa sa panganib ang kaniyang buhay.

“Grabe, ang bilis talaga ng pangyayari. Sobra kasing ano, torture, torture ang nangyari sa akin. Ang dami kasing nagdadasal kaya siguro naka-survive ako,” naiiyak na kuwento ni Macaraeg na nakalabas na ng ospital.

Gaya ni Magkasi, hindi pa bakunado si Macaraeg ng panlaban sa Covid-19. Hindi ito natuloy nang tumaas ang kaniyang blood pressure.

Umabot na sa 102 healthcare workers ang pumanaw sa naturang sakit.

Umaasa ang healthcare workers na maibibigay sa kanila ang ipinangakong mga benepisyo tulad ng special risk allowance.

“Ito po ‘yung nakakalungkot dahil sa gitna ng panganib ng pandemya ay walang maramdamang suporta ang mga nurses at iba pang healthcare workers,” ayon kay Jocelyn Andamo ng Filipino Nurses United.

The post Doktorang buntis nasawi sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Doktorang buntis nasawi sa Covid-19 Doktorang buntis nasawi sa Covid-19 Reviewed by misfitgympal on Agosto 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.